Sikreto nina Barbie at Mika, nabuking ni Paul!

June 02, 2019
Mika dela Cruz & Barbie Forteza

Lalong nagiging exciting ang mga eksena sa primetime series na Kara Mia, huh! Finally, natuklasan na ni Chino (Paul Salas) ang deep dark secret ng magkapatid na si Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika Dela Cruz).

Siyempre nagulantang at hindi makapaniwala ang binata sa nasaksihan subalit maraming tagasubaybay ang naniniwala na matatanggap din ni Chino ang kondisyon ng magkapatid dahil sa busilak nitong puso.

Sabi pa ng Twitter user na si @karchiofc,“Thanks, Chino. Sabi ko na nga ba labs mo talaga sina Mia at Kara eh. Ayaw mo sila mapahamak.” Pano kaya haharapin ng magkapatid ang panibagong hamon na ito? Tutok lang gabi-gabi sa GMA Telebabad.