Sinu-sinong nagkakandarapa kay Vico?

August 28, 2019
Vico Sotto and Vic Sotto
Vico Sotto and Vic Sotto

MARAMING magaganda, matatalino and single ladies ang naga-aspire na makilala at mapalapit sa 30-year-old good looking and most-sought after  bachelor mayor ng Pasig City na si Vico Sotto, anak ng veteran singer-composer, comedian and TV host-producer na si Vic `Bossing’ Sotto at ng veteran actress na si Coney Reyes.

Since parehong nasa industriya ang kanyang  mga magulang, inakala ng marami na papasukin din ni Vico  ang showbiz tulad ng dalawa sa kanyang (half) siblings na sina Danica at Oyo Sotto pero sa halip, sa public service siya napunta.  Hindi ito ipinagtaka nina Vic at Coney dahil noon pa man daw ay nakita na nila kay Vico ang passion nito sa paglilingkod sa kapwa.

Si Vico ay nagtapos ng kanyang college degree sa Ateneo de Manila University in 2011 where he also took his masters on governance.

It was in 2016 nang siya’y tumakbong independent candidate bilang konsehal ng 1st district ng Pasig kung saan siya ang nanguna sa halalan. Three years later, after one term as councilor at tumakbo siya sa pagka-mayor ng Pasig at nanalo.

Hindi ikinakaila ng binata nina Bossing (Vic) at Coney na hindi ang pagkakaroon ng girlfriend o lovelife ang kanyang priority sa ngayon kundi ang kanyang trabaho bilang mayor ng Pasig.  Pero kapag dumating man daw ang panahon na siya’y  umibig at magkaroon ng kasintahan in the future, gusto niya na ito’y maganda, matalino at iisa umano ang kanilang wavelength para sila’y magkasundo.

Although gusto na rin nina Vic at Coney na magkaroon na rin ng kasintahan and eventually sariling pamilya si Vico, hindi umano sila nakikialam pagdating sa desisyon ng kanilang binata who remains single and loveless at age 30.