Siongabird, panlaban kay Regine

November 16, 2018
Regine Velasquez Alcasid

NAKAHANDA ang buong Sunday PinaSaya team sa pormal na pagpapakila kay Regine Velasquez ngayong Linggo sa ASAP.

Hindi dahil sa takot sila kundi dahil isang malaking selebrasyon ang magaganap sa number one Sunday show sa tanghali.

Naku, eh, nu’ng umapir si Regine sa dalawang magkasunod na episodes ng Kapamilya show, sadsad pa rin sa ratings ang programa, kaya walang dahilan para matakot ang namamahala sa SPS, huh!

“There’s a big thing happening (in SPS) this Sunday pero hindi dahil natakot kami,” pahayag ni Rams David, isa sa mga namamahala sa programa, nang makausap ng press.

“So confident kami at alam naming panonoorin kami ng tao. On the ratings, hindi kami bumaba ever since na pumasok siya (Regine). Dalawang Australia, talo. Then, iniba nila ’yung programming nila. Hindi rin kami natalo.

“So this Sunday, parang pinakakalat nila, may reformat ang ASAP, si Regine, so ’yung anticipation ng tao, mataas. So siyempre, hindi naman kami puwedeng nganga!

“For this Sunday, we wanted to tell all viewers that GMA is the home of quality, comedy entertainment,” dagdag niya.

Walang gagawing pagbabago sa SPS. Basta patuloy itong magbibigay ng, “Funny sketches, funny entertainment, funny gags, segments every Sunday na nakakatawa with all our 20-plus hosts.

“So it’s a full effort of the hosts every week. May kantahan, sayawan but basically, 80 percent of the show, comedy pa rin. Kung ano ang ginawa namin since 2015, we will just, siguro, mag-i-improve rin.

“Kasi nagbabago na rin ang mundo, so may millennial flavor din. Ngayong Sunday, we will pay homage sa  comedy shows na tumatak na sa mga tao. Mga different sitcom and this Sunday will pay tribute to Cafeteria Aroma,” saad pa niya.

Ngayong Linggo rin ilu-launch sa SPS ang GMA Christmas station ID.  

“Kung ano ang gusto nilang gawin, to each his own na lang tayo at pagandahan. Basta ang concern namin ay magpasaya ng viewers here and abroad,” paliwanag pa ni Rams.

Suggestion lang this Sunday sa SPS. Ipantapat kay Regine si Paolo Ballesteros na hit na hit ngayon sa Eat Bulaga bilang si Reg Siongabird, huh!

Sa totoo lang, sa sobrang pagpapahalaga ng Channel 2 kay Regine, kawawa naman ’yung naging bahagi na ng ASAP na masisibak dahil lang sa pagri-reformat nila, huh!