Sitcom ni Toni tuluyan nang ni-reformat

May 13, 2019
Toni Gonzaga

TULUYAN nang binago ang format ng long-running weekly sitcom na “Home Sweetie Home” na unang pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Ginawa na itong “Home Sweetie Home: Extra Sweet” maintaining Toni as one of the lead cast members.  Kasama pa rin sa nasabing programa sina Miles Ocampo, Clarence Delgado at ang child star na si Jordan Ford.

Ang mga bagong karagdagan sa “Home Sweetie Home: Extra Sweet” ay sina Luis Manzano, Vhong Navarro, Bayani Agbayani at Alex Gonzaga kasama sina Rio Locsin, Edgar ‘Bobot’ Mortiz at dalawa sa Big-4 winners ng PBB: Otso (Adult Edition) na sina Yamyam Gucong at ang Japanese national na si Fumiya Sankai.

Sa sitcom, half-siblings ang papel ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Ang bagong reformat ng “Home Sweetie Home: Extra Sweet” na pinamamahalaan ni Bobot Mortiz ay nagsimula nung nakaraang Sabado, May 11.

Samantala, ang original “Home Sweetie Home” nina John Lloyd at Toni ay nagsimula sa ere nung January 4, 2014 kaya mahigit limang taon na sa ere ang nasabing weekly sitcom.