Home>Entertainment>Showbiz>Snooky at Ricardo hindi makapagpakasal sa mga current partner

Snooky at Ricardo hindi makapagpakasal sa mga current partner

Snooky Serna at Ricardo Cepeda

PAREHONG masaya ngayon ang estranged couple na sina Snooky Serna at Ricardo Cepeda sa kanilang respective personal lives.

After two failed marriages, former child superstar Snooky is now in a relationship with her former suitor when she was 19 years old, ang businessman and former Bulacan vice governor na si Ramon Villarama. Although matagal nang annulled ang first two marriages ng actress, gayundin si Ramon sa kanyang dating wife, hindi sila makapagpakasal dahil sa kanilang magkaibang relihiyon. Si Snooky ay miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) habang saradong Katoliko si Ramon.

Patakaran ng INC na hindi puwedeng ikasal ang isang miyembro kung hindi ito kapwa INC o magpa-convert sa pagiging INC member.

Samantala, masaya naman ang pagsasama ng ex-husband ni Snooky, ang dating model-turned actor-entrepreneur na si Ricardo Cepeda at dating model-beauty queen-turned actress na si Marina Benipayo now on their 9th year.

Sina Ricardo at Marina ay parehong may tig-dalawang anak sa kanilang previous marriages. Two girls for Ricardo (kay Snooky Serna), sina Samantha (26) at Sachi (23). Two boys naman kay Marina sa kanyang ex-husband, sina Mark (25) at Joshua (23).

Sina Ricardo at Marina ay dati nang magkakilala when the latter was 17 at 21 naman ang actor in 1986. Pareho pa silang working students noon. Si Ricardo ay nagta-trabaho bilang gym instructor habang nagwu-work naman bilang isang service crew si Marina to finance herself sa pag-aaral. Pareho silang sumali sa Body Shots competition noon at kapwa naging aktibo sa pagmu-model.

Although hanga na noon si Ricardo kay Marina, parang magkakapatid ang turingan nila sa modeling world.

The actor first entered showbiz in 1989 habang si Marina naman ay sumali sa Bb. Pilipinas pageant in 1992 kung saan siya kinoronahang Bb. Pilipinas – Maja International. But she ended up representing the Philippines sa Miss World competition in 1992 when Bb. Pilipinas-World winner Marilen Espino (6 feet tall) failed to represent the country due to illness.

After her reign sa Bb. Pilipinas ay nagpatuloy si Marina sa pagiging in-demand fashion model and eventually entered showbiz.

Mahigit 30 years ding walang komunikasyon sa pagitan nina Ricardo at Marina. After twelve years of marriage ay nagkahiwalay ang dating mag-asawang Ricardo at Snooky. Bagong silang ang second son ni Marina na si Joshua nang magkahiwalay sila ng kanyang dating mister na naka-base na ngayon sa Canada. In 2011, kasama sa cast ng romance, comedy, drama TV series na “Binondo Girl” si Ricardo. Ito’y tinampukan nina Kim Chiu at Xian Lim at acting debut ni Richard Yap. Dapat gaganap na ex-wife ni Ricardo sa serye ang actress na si Glydel Mercado pero nag-back out ito dahil nabuntis ito noon sa kanilang bunsong anak ng husband niyang si Tonton Gutierrez. Gumawa ng short list ang Dreamscape Entertainment Production ni Deo Endrinal para sa makakapalit ni Glydel but at the last minute ay biglang naalala ni Deo si Marina na nag-swak sa character na Chinese looking mother ng character ni Xian.

Nang dumating sa set si Marina ay nagkagulatan sila ni Ricardo. Palibhasa’y matagal silang hindi nagkita ay nagkayakapan sila bagay na ikinagulat ng iba nilang mga kasamahan na naroon including veteran actress Gina Pareno.

“Palagay ko, kayong dalawa ang magkakatuluyan,” biro ni Gina.

Natawa lamang sina Ricardo at Marina sa tinuran ni Gina, pero nagkatotoo ang sinabi nito dahil tumatakbo pa ang serye ay naging sila na.

Hindi naman nahirapan sina Ricardo at Marina na ipakilala ang isa’t isa sa kanilang respective children. Katunayan, naging very close ang apat nilang mga anak at parang magkakapatid na ang turingan ngayon. There are times na magkakasama silang kumakain sa labas o nag-a-out of town trips. Pops (for Papa) ang tawag ng mga anak ni Marina kay Ricardo at Tita naman ang tawag ng mga anak ni Ricardo kay Marina na malapit nang maging lola dahil pregnant ang girlfriend ng kanyang bunsong si Joshua.

Siyam na taon na ang relasyon nina Ricardo at Marina pero sa kabila nito ay hindi pa mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naa-annul ang kasal ni Marina sa dating mister na umabandona sa kanila ng kanyang dalawang anak. But despite this, masaya ang pagsasama nina Ricardo at Marina at never umano sila nagkaroon ng problema.

Samantala, naging passion na ng mag-partner ang magpakain ng mga stray cats sa kanilang lugar gabi-gabi na lalo raw dumarami.

Nasaan na ang mga miyembro ng grupong Hot Babes?

Viva Hot Babes
Viva Hot Babes

PARE-PAREHONG single mom ngayon ang ilan sa mga miyembro ng Viva Hot Babes na sina Katya Santos, Maui Taylor, Sheree Bautista, Gwen Garci at Zara Lopez. Although single mom din si Andrea del Rosario sa kanyang only child na si Bea, she is happily in a relationship now with professional polo player, Anthony Garcia.

Katya is raising her kid by herself matapos siyang mahiwalay sa kanyang ex-husband na si Anton de los Reyes. Hiwalay na rin si Maui sa kanyang longtime partner at ama ng dalawang anak na sina Anton Sabarre. Happily married naman si Jaycee Parker sa naging husband ng namayapang singer-actress na si Isabel Granada na si Jericho Aguas. Very close din si Jaycee sa teen-age son ni Jericho kay Isabel na si Hubert Aguas.

They are all entrepreneurs now at aktibo pa rin sila individually or as a group (Viva Hot Babes) sa showbiz.

Kung meron man daw big lesson para sa kanila ang kanilang pagiging single moms ay ang pagiging self-reliant at tiwala sa sarili.

Ang Viva Hot Babes ay sikat na all-girl sexy group na binuo ni Boss Vic del Rosario in 2003. Bukod kina Andrea, Katya, Maui, Gwen, Zara, Jaycee at Sheree, ang iba pang naging members ng grupo ay sina Jen Rosendahl (na nasa regular cast ng ‘Pepito Manaloto’ ni Michael V sa GMA7), Myles Hernandez, Kristine Jaca, Asia Agcaoili, Hazel Cabrera at iba pa.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger