Home>Entertainment>Showbiz>Snooky may adbokasya dahil sa sariling sakit

Snooky may adbokasya dahil sa sariling sakit

Snooky Serna
Snooky Serna

FORMER child superstar and award-winning actress Snooky Serna started her acting career when she was four sa Lino

Snooky Serna
Snooky Serna

Brocka-megged movie na “Wanted: Perfect Mother” under Lea Productions na tinampukan din nina Dante Rivero, Liza Lorena at Boots Anson Roa kasama sina Caridad Sanchez, Eddie Mercado, Mary Walter at iba pa.

Snooky received her first Best Child Actress award from FAMAS two years later in 1972 sa pelikulang “Sana Mahalin Mo Ako” kung saan niya nakasama sina Eddie Rodriguez at Boots Anson Roa na pinamahalaan din ni Edddie Rodriguez under Virgo Productions.

Nanalong Best Supporting Actress si Snooky mula sa Star Awards for Movies nung 1990 para sa pelikulang “Hahamakin ang Lahat” na sinundan ng dalawang Best Actress trophies mula sa FAMAS at sa Cebu Archdiocese Media Awards paa sa pelikulang “Koronang Itim” nung 1994. Another Best Supporting Award mula sa Star Awars for TV para sa teleseryeng “Kapag Kapiling Ka” nung 2003 at dalawa pang Best Supporting plum para sa pelikulang “Paupahan” mula sa FAMAS at Star Awards for Movies nung 2008.

Snooky has had two failed marriages, first with actor, Ricardo Cepeda kung kanino siya may dalawang daughters – sina Sachi at Samantha, now both professionals. She had her second marriage with musician Nino Mendoza in 1996 pero hindi ito nagtagal at ito’y nauwi sa hiwalayan. Since then, the actress has remained single up to now but has been in a happy relationship with a businessman and former politician for nearly ten years now whom she’d rather not mention the name pero may initials na RV.

Si Snooky ay ipinanganak na Katoliko then naging isang Born-again Christian but in 2011 ay nag-desisyon siyang maging bahagi ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ang relihiyon ba ang dahilan kaya hindi pa nagpapakasal hanggang ngayon si Snooky at ang kanyang longtime boyfriend?

As far as Snooky is concerned, ayaw niyang obligahin si RV na magpa-convert sa INC dahil gusto niya itong maging bukal sa kanyang kalooban.

Unknown to many, si Snooky ay dumaan sa bulimia nervosa at bipolar disorder for the last 20 years since she was in her teens. Marami siyang bagay na kinatatakutan hanggang ngayon at kasama na itong pandemya. There were even times na gusto na umano niyang mag-quit sa showbiz but she’s thankful to her medical psychiatric doctor na patuloy na gumagabay sa kanya. Unti-unti rin niyang nilalabanan ang kanyang depression na common nang nangyayari sa maraming tao ngayon. Katunayan, isa ito ngayon sa mga adbokasiya na gusto niyang i-share sa publiko laluna sa mga kabataan na dumaranas ng ganitong sakit o may kinalaman sa mental health.

Ayon kay Kookie (palayaw ni Snooky), malaking bagay umano ang support system ng pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan para malabanan ang depression.

Samantala, hindi akalain ni Snooky na magiging bahagi pa rin siya sa TV remake ng pelikulang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” na tinampukan nila nina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, William Martinez, Gloria Romero and the late Nida Blanca, Nestor de Villa at Luis Gonzales na dinirek ng yumao na ring si Maryo J. de los Reyes under Regal Entertainment.

Sa TV version ay tampok na mga bituin sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Dina Bonnevie, Migo Adecer, Jay Manalo at iba pa.

Although madalas ay pawang supporting roles ang ginagampan lately ni Snooky, meron siyang upcoming movie na siya rin mismo ang nasa lead character, ang “In The Name of the Mother” na pinamahalaan ng award-winning director na si Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment na siya ring nag-produce ng award-winning and critically-acclaimed movie na “Rainbow’s Sunset” nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Gloria Romero in 2018. Ang nasabing pelikula ang nagsilbing last movie nina Eddie at Tony na magkasunod na sumakabilang-buhay nung isang taon.

Si Snooky ay isa sa mga original `babies’ ng Regal Entertainment at naging kapanabayan niya noon sa bakuran ng Regal sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, William Martinez, Albert Martinez whom Snooky admits na ang kanyang first love.

Ang kabuuan ng aming panayam kay Snooky ay matutunghayan sa “TicTalk with Aster Amoyo” sa aming YouTube channel.

Patricia at pamilya hindi madali ang naging buhay

SA kabila ng pandemya, patuloy na lumalago ang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic ng mag-asawang Patricia Javier at Doc Rob Walcher na meron na ngayong apat na branches in Quezon City, Makati, Alabang at Bacoor, Cavite.

It was in late 2014 nang mag-desisyon ang mg-asawang Patricia at Doc Rob together with their two young sons na si Robert at Ryan na mag-relocate sa Pilipinas to try their luck here.

“At first, we just wanted to give it a try for a couple of months but if it was not suitable for us to stay here, we can always go back to San Diego (California, USA),” pagbabalik-tanaw ni Doc Rob na adjusted and settled na sa pamumuhay sa Pilipinas.

“We started doing our community service introducing chiropractic treatment in the Philippines which was something new to them. Eventually, people started coming to the place where we used to stay for treatment and we would usually do it in our garage. And when people started to come in, that was when we decided to put up our first clinic in Quezon City,” kuwento ng mister ni Patricia.

Dahil din sa mag-asawang Patricia at Doc Rob ay nakilala ng mas marami ang chiropractic treatment sa Pilipinas.

Aminado naman si Patricia na tuwang-tuwa umano siya nang mag-desisyon ang kanyang mister na mag-relocate sila ng Pilipinas hindi lamang dahil magiging malapit siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan kundi maipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang singing and acting career.

Nung bagong dating sila sa Pilipinas ay awang-awa umano siya sa kanyang mag-aama dahil hitik ang mga ito ng mosquito bites at wala umano silang sasakyan. There was also a time na umiyak ang mag-asawa dahil sa kanilang sitwasyon dito pero hindi umano sila nawalan ng pag-asa.

“The first year was tough,” pag-amin ni Doc Rob na paminsan-minsan ay lumalabas na rin sa pelikula at telebisyon.

“I love it,” natatawa niyang pahayag.

Mga naudlot na proyekto ng Star Cinema unti-unting itinutuloy

DAHIL sa pandemya, na-push back to a much later date ang mga naka-pending na movie projects ng Star Cinema. Idagdag pa rito ang untimely na pagbasura ng ng mga kongresista sa prangkisa ng ABS-CBN. Pero sa kabila ng maraming challenges na kinakaharap ng ABS-CBN at iba nitong affiliate companies, patuloy ang Star Cinema sa pagpa-plano ng iba’t ibang proyekto na kanilang sinimulan nung wala pang pandemya. Kasama sa mga plano ang balik-tambalan na John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, bagong movie ng magkaka-love team at magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil na lahat nakatakdang idirek ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Everyone is praying na sana’y tuluyan nang nawala ang pandemya at unti-unti nang manumbalik ang buhay ng mga tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang iba’t ibang production ng ABS-CBN para sa kanilang iba’t ibang platform at kasama na rito sa free TV ng A2Z kung saan napapanood na ang marami sa mga programa ng Kapamilya Channel.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)