Sofia tinanggal sa IG post ang pictures ng rumored BF

May 23, 2019
Sofia Andres
Sofia Andres

TINANGGAL ng young actress na si Sofia Andres sa kanyang Instragram posts ang pictures niya kasama ang rumored boyfriend, ang Cebuano international car racer na si Daniel Miranda.  Hiwalay na ba sila although pa umaamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon?

Pero ang pictures nila ay nasa IG posts pa rin ng binatang car racer.  Baka si Sofia lang ang nakakaalam na wala na sila o kung hindi man ay wala lamang panahon si Daniel na i-update ang kanyang IG account.

It was in October last year nang maging sunud-sunod ang pag-post ni Sofia ng mga sweet photos nila ni Daniel.

Bago si Daniel ay na-link si Sofia kay Diego Loyzaga na out of circulation ngayon sa showbiz.