Solenn, handa na mabuntis

November 15, 2018
Solenn Heussaff

Inamin ni Solenn Heussaff na may mobile app (application) siya na sinusunod para hindi muna mabuntis.

“May app ako na bawal mag-sex on this day, ganu’n. It’s called My Calendar.’ It’s like a period chart. Parang ’pag may ovulation, bawal, mga ganu’n,” sey ni Solenn nang makausap namin sa presscon ng Cain at Abel kamakailan.

“But ready na ako for the last three years, ready din si Nico (Bolzico, her husband) but... I mean, we’re ready anytime now,” dagdag niya.

Naloloka nga raw si Nico sa pagka-strict niya when it comes to sex at sabi raw ng mister, “What the f__k is this?”

Kung mabubuntis daw siya ngayon, siyempre ay okay naman daw sa kanila pero tingnan na lang daw natin kung mangyayari lalo pa nga’t tumanggap siya ng bagong teleserye.

Sa Cain at Abel ay leading lady si Solenn ni Dingdong Dantes at pangalawang pagsasama na nila ito ng aktor after Alyas Robinhood.

Magsisimula na ang Cain at Abel sa Monday, Nov. 19, pagkatapos ng 24 Oras.