Solenn Heussaff ibinahagi ang #RoadToMe fitness journey 

July 01, 2020
Solenn Heussaff

SA Instagram story ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff, masaya niyang ibinahagi na 3.5kg na lang ang kailangan niyang ma-lose para maabot ang weight goal. Ilan sa mga exercise na ginagawa ni Solenn ay ang uphill walking, yoga, at bosu ball.

Nagpaalala rin si Solenn sa fellow mommies niya na ‘wag i-strain ang sarili kapag magwu-workout, “Listen to your body and avoid certain movements if you feel pain (ask your OB)”.