Solenn Heussaff nagbahagi ng tips para sa breastfeeding moms

May 29, 2020

SA recent vlog ng Kapuso actress at TV host na si Solenn Heussaff, ibinahagi niya ang pinagdadaanang hirap bilang isang bagong ina. Ayon sa aktres, hirap siya pagpo-produce ng breast milk para sa anak na si Thylane. Aniya, “Breastfeeding might be the hardest thing that any woman has experienced in her whole life. I do love the feeling of breastfeeding and I love to breastfeed but its work. It's a lot of work. I had to work three times harder to try and up my milk supply.”

Dagdag pa niya, humingi na rin siya ng tulong sa kapwa celeb moms para sa supply ng gatas ng anak, “I had to ask help from some friends for some of their breast milk because obviously breast milk is best for babies, we all know that. The vitamins they get from your milk, they can't get anywhere else.” Nagbigay rin si Solenn ng mensahe sa mga nanay na katulad niya ay nahihirapan sa pagbi-breastfeed sa kanilang mga anak. “You do you, don't let anyone judge you. At the end of the day, as long as you and your baby are healthy, that's the important thing. The tips I'm going to give right now, I am just basing everything that I am going to tell you guys today on researches, on the things I went through as well and on friends' journeys because every mom is different.”

Barbie at Jak, nag-reunite online para sa kanilang 3rd anniversary

DAHIL stuck at home bunsod ng pinatutupad na quarantine, hindi nakapag-celebrate sa labas ang Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza. Pero hindi pinalampas ng dalawa ang pagkakataon na magkita online para ipagdiwang ang kanilang espesyal na araw. Para masulit ito, naglaro sila ng ‘Who's More Likely To" challenge. Sa latest vlog ni Jak, mapapanood ang kanilang paglalaro at dito ay napag-usapan nila ang tungkol sa kasal at kinuwento ni Barbie na gusto niya na raw mag-settle at the age of 28. Nagkaroon din sila ng pagtatalo kung sino raw sa kanila ang mas madalas mag-sorry. Para sa kabuuan ng video, bisitahin lamang ang YouTube channel ni Jak.