Solenn naka-schedule ang pakikipagsiping sa asawa

November 19, 2018
Solenn Heussaff

SA kuwento ni Solenn  Heussaff  sa presscon ng latest soap niyang Cain at Abel, kung  saan bida ang dalawang big actors ng GMA 7 na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, nasabi ng actress na gusto na niyang magka-baby next year. She’s 33 years old now kaya panahon na para sila’y magka-baby ng kanyang Argentinian husband, si Nico Bolzico na isang financial analyst.

Ready naman siya kung anumang mangyari sa kanya next year. Sa ngayon sa dami ng commitment ni Solenn,  talagang  ingat siya sa pagbubuntis. Naka-apps sa cellphone niya ang monthly period niya. Andoon din kung kailan sila puwedeng mag-make love ng  husband.

Samantala, sa bagong soap ni Solenn, may pagka-kontrabida siya. First time niyang gagawin ito. Sa istorya, may relasyon sila ni Dingdong. Pero, mahuhuli siya nitong may another man.