Solenn at Nico hiwalay na naman sa Pasko

November 25, 2018
Solenn Heussaff & Nico Bolzico

SA ikaapat na taon ay muling magkakahiwalay ngayong Pasko ang mag-asawang Solenn Heussaff at Argentinian na si Nico Bolzico dahil sa Argentina magi-spend ng kanyang Christmas holidays with his family minus Solenn na maiiwan sa Pilipinas dahil sa kanyang trabaho at iba pang commitments. 

Pero ang mag-asawa ay nag-spend ng 10 araw sa Argentina last October.  Habang kasama ni Nico ang kanyang pamilya sa Argentina ngayong Pasko ay makakasama naman ni Solenn ang kanyang parents sa Pilipinas.

Nico has always been very supportive sa kanyang wife at sa career nito kahit nasasakripisyo ang mga important dates sa kanilang buhay including Christmas.

Samantala, inihayag ng Kapuso singer-actress na handa na umano siyang magkaroon ng baby ngayong may sarili na silang bahay ng kanyang mister.

Bukod sa larangan ng pag-arte, paghu-host at bilang celebrity endorser, ang singing, pagpipinta at negosyo ay kasama sa pinaglalaanan ng oras ni Solenn.

Si Solenn ay nakatatandang kapatid ni Erwan Heussaff na mister ni Anne Curtis.