Solenn walang lumabas na gatas

July 08, 2020
Solenn Heussaff

UNLIKE other moms, hindi nabiyayaan ang singer-actress-TV host and celebrity endorser na si Solenn Heussaff ng breast milk  for her first born na si Baby Thylane Katana who turned 6 months last July 1 kaya she turned into formula milk for her baby. 

Binalikan na rin ni Solenn ang pagi-exercise at bumalik na sa dati ang magandang hubog ng kanyang katawan na parang hindi nanganak.

Since nasa gitna pa rin ng pandemya ang Pilipinas at ang buongmundo, hindi pa rin alam ni Solenn kung kailan siya magre-resume sa kanyang trabaho sa new normal situation.  In the meantime, she enjoys her new role bilang hands on mom to Baby Thylane sa tulong ng kanyang husband na si Nico Bolzico. 

Sobrang ini-enjoy ng mag-asawa ang pag-aalaga kay Baby Thylane dahil nasubaybayan nila ang mga new developments ng kanilang anak magmula nang ito’y isilang last January 1, 2020 hanggangngayon.