Sophie, pangkontrabida ang beauty

November 12, 2018
Sophie Albert

Showing na sa November 21 ang Regal Entertainment movie na Recipe For Love  na kung saan, kasama sa cast si Sophie Albert bilang si Karla. Ang description kay Karla ay “No. 1 Enemy at basher ni Val (Cora Waddell) at magbibigay pait sa lovelife at career ni Val.”

Thankful si Sophie sa role niya sa Recipe for Love dahil na prepare siiya sa kontrabida role niya sa teleserye ng GMA-7 na Pamilya Roces. Ang kaibahan lang, comedy ang pagiging kontrabida niya sa teleserye, unlike sa movie na pwede siyang kainisan ng moviegoers.

Natutuwa si Sophie sa positive feedback sa kanya sa Pamilya Roces na majority a viewers, masaya sa kanya at sa kanila ni Rocco Nacino. Ikinatuwa rin nito na ang mom at siblings niya ay pinapanood ang Pamilya Roces. Dati, sa cable TV nanonood ang family niya, ngayon, tutok sila kay Amber (name ng karakter niya) at sa Pamilya Roces.

Samantala, bagong dagdag sa cast ng Pa-milya Roces si Katrina Halili na bida sa simula ang karakter at magiging kon-trabida rin.