Home>Entertainment>Showbiz>Sour loser sa Miss Universe Philippines

Sour loser sa Miss Universe Philippines

Shamcey Supsup-Lee
Shamcey Supsup-Lee

TALAGANG hindi nawawala ang kontrobersiya sa anumang paligsahan.

Matapos manalo si Miss Iloilo Rabiya Mateo sa nakaraang Miss Universe Philippines na ginanap sa Baguio Country Club noong Linggo, akala namin ay talagang tapos na ang laban. Unang-una, sa palagay namin ay deserving naman talaga si Rabiya, kahit na nga may bias ang ilan lalo na ang mga taga-showbiz para kay Michelle Gumabao na mula sa isang showbiz family. Tatay niya ang aktor na si Dennis Roldan at kapatid niya ang upcoming actor na si Marco Gumabao.

Pero habang ipinalalabas sa TV ang pageant, nag-post ang kandidatang si Miss Taguig Sandra Lemonon ng isang cryptic message sa social media: “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest and speak facts.”

Sa sumunod na post ni Miss Taguig, sinabi niyang: “The truth always comes out, It’s just about timing Karma is real soon, Because we deserve justice.”

Makalipas ang ilang oras, nag-issue naman si Shamcey Supsup-Lee, ang national director of Miss Universe Philippines, ng isang statement: “To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility – these are the marks of a true queen.”

Na sinagot ni Miss Taguig ng: “Get your tea. Accepting defeat graciously is one of the many marks of being a beauty queen. But what you forgot to say is that real queens play fair don’t cheat.”

Ang isa sa mga pasabog diumano ni Miss Taguig ay: “So here’s the truth … May gumamit po ng Packaging Tape sa Swimsuit Competition.”

Itinanggi naman ito ng ilang kandidata na malapit kay Miss Taguig. Bukod sa isyu ng packaging tape, may bulung-bulungan na alam na raw ni Miss Iloilo ang itatanong sa kanya kata nasagot niya ito ng tama. At may iba pang mga alegasyon.

Pero kahit ang Miss Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa ay nanawagan sa mga kandidatang natalo na tanggapin ang hatol ng judges. Matatandaang noong 2018, nag-viral din si Miss Taguig Sandra Lemonon nang sumali siya Bb. Pilipinas at wala siyang nasabi tungkol sa “build, build, build” program ng pamahalaan.

Ayaw naming isiping sour loser si Miss Taguig. Bigla tuloy naming naalala si Cong. Allan Peter Cayetano ng Taguig. ‘Yun lang.

Yasmien mas nakilala ang anak dahil sa pandemic

Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

ISANG throwback video ng kanilang mother-daughter bonding ang ibinahagi ng actress na si Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram kung saan tumutugtog sila ng kanyang anak na si Ayesha ng piano.

Sa caption ng video, ikinuwento ni Yasmien na mas nakilala niya ang anak sa gitna ng pandemya.

Aniya, “Ang dami kong na discover sa baby ko ngayong #StayAtHome, mas nakakapag-bond kami, nanonood ng movies together, ‘yung tipong naubos na namin yung mga palabas for kids sa #netflix, kaya naman gumagawa kami ng mga fun activities dito sa bahay…”

“Pero since last year pa naman bago pa mag pandemic, nahilig na talaga si AZ mag piano kaya naman pina-piano lesson namin siya kay Teacher Joanne last year ng mga April. Tapos ngayon, Voila! nakakatuwa! ang galing na niya … pagaling siya ng pagaling mag piano everyday…,” dagdag pa niya.

“Pati ako tinuturuan niya pero di ko parin ma-gets haha! siguro dahil iba talaga kapag bata ka pa nag start mag-aral ng piano. Sharing this video sa inyo… #throwback video, early this year noong kaka #lockdown palang sa Metro Manila #mylittlepianist #FurElise #icanthelpfallinginlovewithyou,” lahad pa ng Kapuso actress sa kanyang post.

Samantala, kabilang na rin si Yasmien sa listahan ng TikTok millionaires dahil mayroon na siyang one million followers sa kanyang official account.

Cast ng DOTS Ph, mas naging close dahil sa lock-in taping

Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado
Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado

SA guesting nila sa Kapuso ArtisTambayan, ikinuwento ng cast members ng ‘Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation’ na mas naging close sila dahil sa lock-in taping noong nakaraang buwan.

Pagbabahagi ni Dingdong Dantes, “Mas naging tight nga ‘yung samahan kasi imagine tuloy-tuloy kami magkakasama kahit na medyo challenging pero masaya pa rin, ‘di ba? Mas naging close pa nga kami dahil sa lock-in taping kasi prior to that maganda na ‘yung working relationship naming lahat, e.”

Kahit na magkakahiwalay ang tent at mahigpit silang sumusunod sa social distancing, nagawa pa rin daw nilang mag-bonding sa free day nila.

Kuwento ni Jennylyn Mercado, “Noong nag-lock in, magkakahiwalay kami ng tent tapos magkikita-kita lang kami sa set tapos kapag free day namin, si Jasmine nagwo-workout, sila Dong, nagwo-workout. Nakaka-miss lang ‘yung masayang samahan ng DOTS kasi para na kaming isang pamilya.”

Mabuti na lang at hindi sina Dingdong at Jennylyn ang naging close sa lock-in taping. Kung hindi, makikita nila ang tunay na descendant of the sun na nagngangalang Marian Rivera.

Sanya kinikilig kay Gabby kahit ‘di pa nakikita

Sanya Lopez
Sanya Lopez

SA interview ng GMANetwork.com kay Sanya Lopez, inamin ng Kapuso actress na hindi pa niya personal na nami-meet ang ‘First Yaya’ leading man na si Gabby Concepcion.

Ganoon pa man, aminado rin ang aktres na certified fan siya ni Gabby, “’Yung kilig na parang fan, ganun ‘yung pagkakilig ko sa kanya. And ‘yun ‘yung sinasabi ni Direk LA na ‘wag ko munang alisin ‘yun, ‘yung para akong fan ni Mr. Gabby Concepcion kasi ‘yun ‘yung gusto niya ma-catch kapag nagkita na kami doon sa teleserye.”

Ewan lang kung ganito pa rin ang magiging reaksyon ni Sanya kapag nakasama na niya nang matagal sa taping si Gabby. Sana naman ay hindi siya ang maging first na magyaya na tapusin ang serye.

Heart kontra sa gender-based violence

Heart Evangelista
Heart Evangelista

ISA talagang ehemplo ang Kapuso star na si Heart Evangelista dahil sa iba’t iba niyang advocacies. At ngayon, ang domestic violence na kadalasang nararanasan ng mga kababaihan naman ang pinalagan niya.

Panawagan ni Heart, “This pandemic isn’t the only thing we are fighting this lockdown. With COVID-19 causing many to stay indoors, there’s an increased risk for women to suffer gender-based violence (GBV) within their homes. Statistics show that at least one out of every four Filipinas has experienced some type of abuse whether it be verbal, emotional, or physical. This shouldn’t be ignored any longer. We are taking a stand now.”

Samantala, inilabas na ni Heart ang kaniyang pre-recorded single na “Breathe You” under GMA Music kahapon, Oktubre 27. Mapapakinggan ito sa mga digital streaming platforms worldwide.

Mark candle-making ang new hobby

Mark Bautista
Mark Bautista

SA isang previous interview, ikinuwento ng actor at singer na si Mark Bautista na isa raw ang candle making sa kanyang bagong hobby ngayong quarantine, “Kumota na nga ako sa ‘time for myself’ e. Umabot na ako sa pag-painting, pag-bake, lahat ng workouts ata sa YouTube nagawa ko na. Kaya ito nahiligan ko naman ang candle making.”

Natutunan din daw ni Mark ang kahalagahan ng paghahanap ng pagkakaabalahan sa gitna ng pandemya.

Aniya, “Maganda rin pala na marami kang gustong gawin sa buhay, pag-aralan. ‘Di ba sabi nila ‘do one thing and be good at it’ but I think na-realize ko ngayong quarantine na dapat pala marami ka ring matutunan. Para kung dumating ang ganitong panahon, ready ka kung halimbawa gusto mo magtinda ng pagkain or what. Like ako hindi ko alam na pwede ko pala mabenta ‘yung paintings ko.”

Katrina kay Wendell: Totropahin o jojowain?

MAGKARIBAL ang role nila sa Prima Donnas, pero sobrang close pala sina Katrina Halili at Aiko Melendez pati na rin ang kanilang love interest sa show na si Wendell Ramos.

Katrina Halili and Wendell Ramos
Katrina Halili and Wendell Ramos

Patunay na riyan ang nakakaaliw na vlogs na inupload ng tatlo sa kani-kanilang YouTube channels na kuha mula sa naganap na 21-day lock-in taping ng Prima Donnas.

Sa YouTube channel ni Wendell ay sumabak ang kapareha niyang si Katrina sa isang nakakatuwang ‘Lie Detector Challenge.’ Game na game namang sinagot ng aktres ang mga katanungan ng aktor habang suot ang isang toy machine na magsasabi kung ‘Lie’ o ‘Truth’ ang sagot.

Ilan sa mga pabirong tanong ni Wendell ay kung may chance ba silang dalawa na maging sila. Or, sa usong tanong sa Youtube: Totropahin o jojowain, ang sagot ni Katrina ay totropahin.

Siguro, kung noong araw na wa

la pang asawa si Wendell, baka iba ang sagot ni Katrina.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal