South border frontman pumirma sa VIVA

February 12, 2020
Jay Durias
Jay Durias

ANG 44-year-music genius na si Jay Durias ay co-founder ng kilalang South Border band na sinimulan in 1993. Kung tutuusin, magtu-27 years na sila sa music industry.

Sumikat nang husto ang South Border nung 1996 nang ilabas ang kanilang self-titled debut album kung saan hango ang kanilang first single, ang classic hit na “Kahit Kailan” na sariling komposisyon ni Jay when he was 14 years old.  Ang nasabing awitin ang siyang itinanghal na “Song of the Year”  at “Best Produced Song of the Year” nung taon ding ’yon.  Ang nasabi ring awitin ang naging signature hit ng grupo na responsible rin sa iba pang hits tulad ng “Love of My Life,’ “With A Smile,” “Ikaw Sana,” “Do You Believe In me,” “Habang Atin ang Gabi,” “Sa `yo,” “Rainbow” at iba pa.

Since 1993 ay nakaapat na palit na ang South Border ng kanilang lead vocalist na sinimulan ng ex-husband ng radio anchor at TV host na si Amy Perez na si Brix Ferraris.  

Sumunod sa kanya si Luke Mejares at pagkatapos ay si Duncan Ramos. Pang-apat naman ang kanilang present frontman na si Kell Gatdula.  From the original members, tanging si Jay na lamang ang natitira sa grupo. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang mag-solo tulad ng ibang lead vocalists ng ibang popular bands tulad ni Joey Generoso ng Side A Band, Rico Blanco ng Rivermaya, Wency Cornejo ng Afterimage at marami pang iba. Pero there is still clamor for the band to perform hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.  But when there is a need na siya lamang ang kailan ay wala naman daw problema at nauunawaan ito ng kanyang mga kasamahan sa band.

Si Jay ay hindi lamang singer-composer but he is also a songwriter, arranger and musical director.

Last Monday afternoon ay lumagda si Jay ng kontrata with Viva Music Publishing, Inc. na siyang mangangasiwa ng mga songs na kanyang kinompos at kasama na rito ang mechanical, performance, synchronization and digital rights.

Ang Viva Music Publishing, Inc. o VMPI ay pinamumunuan ni Alex Camurungan na siyang Publishing and Digital Media Manager ng kumpanya.

Bukod sa publishing rights, marami pang ibang possibilities ang puwedeng pagsamahan nina Jay at ng Viva at kasama na rito ang kanyang pagiging solo singer at musical arranger.

Si Jay ay karagdagan sa ilang singers-composers na nasa ilalim na rin ng VMPI tulad nina Rico Blanco, Wency Cornejo, Top Suzara, Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, Nica del Rosario na siyang nag-compose ng hit song ni  Pop Superstar Sarah Geronimo na “Tala,” Eurie Von Loria (ng This Band) pati na rin ng mga klasikong awitin nina Willy Cruz, Snaffu Rigor at ng magkapatid na Dennis at Rene Garcia ng Hotdog at marami pang iba.

Si Jay ay may sarili na ring pamilya – his wife Helene at ang kanilang dalawang anak na sina Kahlil at Jaydee Durias.  Ang panganay ni Jay ay 20 years old na.