South Korean films may hatid na swerte sa VIVA

March 05, 2020

ANG mga trailer ng A Hard Day at The Missing ang mga nagmarka sa isip ng mga dumalo sa announcement ng walong official entries sa 1st Metro Manila Summer Film Festival na ginanap sa Novotel noong Lunes, March 2.

Ang Hard Day ang action thriller movie ng Viva Films na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Para sa mga hindi nakakaalam, Philippine adaptation ng  blockbuster South Korean movie noong 2014 ang pelikula ni Dingdong na mula sa direksyon ni Law Fajardo.

Impressive ang trailer ng Tagalog version ng A Hard Day na hinuhulaan na tatangkilikin ng moviegoers kapag nagsimula sa April 11 ang 1st Metro Manila Summer Film Festival.

May hatid  na suwerte sa Viva Films ang South Korean films na ginagawan nila ng Tagalog adaptation at napatunayan ito sa  Miss Granny, ang 2018 hit movie ni Sarah Geronimo at sa Miracle in Cell No.7, ang top-grosser sa 45th Metro Manila Film Festival noong December 2019.