Spring films nina Piolo, Joyce at Erickson, tuloy-tuloy na

February 02, 2019
Piolo Pascual

MUKHANG tuluy-tuloy na ang pagiging film producer ng Kapamilya prime actor na si Piolo Pascual sa pamamagitan ng kanyang Spring Films which he co-founded with filmmaker Joyce Bernal and talent manager Erickson Raymundo na kanilang sinimulan in 2009 sa pamamagitan ng indie movie na “Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme” na pinagbidahan ni Eugene Domingo.  Ang nasabing pelikula ay sinundan ng dalawa pang starrer ni Eugene, ang “Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme” in 2012 at ang 2013 Metro Manila Film Festival entry na “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel”.  In 2014, muling nag-produce ang kumpanya ng “Relaks: It’s Just Pag-ibig” na tinampukan ng anak ni Piolo na si Iñigo Pascual kasama sina Julian Estrada at Sofia Andres.  In March 2017, si Piolo ang naging bida ng “Northern Lights: Journey to Love” na pinagtambalan nila ng “Halik” star na si Yen Santos.  On the same year, they produced the mega hit indie movie na “Kita Kita” na pinagtambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez making the movie the highest grossing indie film of all time na kumita ng mahigit P350-M sa box office.  Two months later, inilabas naman ang “Last Night” na balik-tambalan nina Piolo at Toni Gonzaga pagkatapos ng kanilang first movie pairing in 2014 sa hit movie na “Starting Over Again”.  Nung nakaraang taon, dalawang pelikula ang inilabas ng Spring Films, ang “Meet Me In St. Gallen” na pinagtambalan nina Carlo Aquino at Bela Padilla which Spring Films co-produced by  Viva Films at ang “Kuya Wes” nina Ogie Alcasid at Ina Raymundo na naging kalahok sa 2018 Cine Malaya Film Festival.

Ngayong 2019, ibinahagi ng Spring Films ang kanilang line-up for the year at kasama na rito ang magkahiwalay na proyekto ng magka-loveteam at magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.  Makakasama ni Daniel si Charo Santos-Concio sa isang movie habang si Kathryn naman ang pangunahing bituin sa pelikulang “History of Parking Lot”.

Magkatulong namang pinamamahalaan nina Direk Joyce Bernal at Omar Ali ang “Children of the Lake” na my kinalaman sa Marawi City.  May isa ring movie na pagbibidahan mismo ni Piolo na may kinalaman sa marijuana, ang “Post Angst” kaya malamang na makagawa ang Spring Films ng apat na pelikula sa taong ito in co-production with other film outfits.