Star-studded major events

September 15, 2019
Maymay and Edward
Maymay and Edward at ABS-CBN Ball 2019

DALAWANG star-studded major events ang naganap nung September 12 at 14.  Nauna rito ang “Sine Sandaan” bilang selebrasyon sa ika-100 taon ng Philippine Cinema sa New Frontier Theater nung Huwebes at ang ikalawang taon ng ABS-CBN Ball 2019 sa grand ballroom ng Shangri-La at the Fort nung Sabado ng gabi.

Maraming showbiz luminaries  ang dumalo sa Sine Sandaan na pinangunahan ng Superstar na si Nora Aunor kung saan din namataan sina Coco Martin, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Angel Locsin, Vice Ganda, Piolo Pascual, Lorna Tolentino, Nino Muhlach, Jaypee de Guzman, Ara Mina, ang mag-partner na Pokwang at Lee O’Brien, Janice de Belen, Eula Valdez, Amy Austria, Ara Mina, Vice Ganda, Alden Richards, Anne Curtis, Maris Racal, Bailey May, Albert Martinez, Dante Rivero, Michael de Mesa, Arci Munoz at marami pang iba.

Nung gabi naman ng Sabado, September 14 ay tila nagsibabaan mula sa langit ang napakaraming bituin sa ABS-CBN Ball 2019 na pinangunahan ng dating chairman ng Kapamilya Network na si Gabby Lopez at dating president-CEO na si Charo Santos-Concio.   Halos lahat ng prime talents and top loveteams ng ABS-CBN ay dumalo tulad nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Liza Soberano and Enrique Gil, James Reid and Nadine Lustre, Maymay Entrata at Edward Barber at iba pa.

Si Charo ang kasamang dumating ni Piolo habang mag-isa naman dumating sina Joshua Garcia, Julia Barretto, Bea Alonzo at Gerald Anderson.  Dumating din ang engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ganoon din ang parents ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama habang host naman sa red carpet ang twin brother ni Richard na si Raymond Gutierrez.

Kahit solo flight na dumating si Bea in her black gown with slit na gawa ni Jun Escario, siya ang tinanghal na Female Best Dressed habang si Richard naman ang napiling Male Best Dressed. Si Chie Filomeno ang tinanghal na Ever Bilena Red Carpet Stunner, ang bagong gaganap na “Darna” na si Jane de Leon ang napiling Belo Beauty On the Rise habang si Maymay Entrata ang Belo Belle of the Night.

Suot ni Maymay ang gown na gawa sa kanyang ng Dubai-based Filipino designer na si Furne One na siya ring gumawa ng kasuotan ng ex-PBB big winner nang ito’y rumampa sa Arab Fashion Week nung November 2018.

Ang kasuotahan ni Maymay ay tinernohan ng kasuotan ni Edward Barber na gawa rin ni Furne One.

Suot naman ni Kathryn ang gown na gawa ng isa pang kilalang Filipino designer na naka-base sa Dubai na si Michael Cinco.  Sinukatan si Kathryn nang ito’y magtungo ng Dubai kasama ang co-star niya sa “Hello, Love, Goodbye” na si Alden Richards nang magkaroon ng international screening ang pelikula sa Dubai kamakailan lamang.

Naka-Ezra Couture (from Dubai) naman ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Walang ka-date si Gerald, at kasama niya ang co-stars sa bago niyang ginagawang TV series na “A Soldier’s Heart” na sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas at Yves Flores.

Ang ABS-CBN Ball 2019 ay gabi rin ng mga kilalang fashion designers dahil pabonggahan ang kasuotan ng stars and talents ng Kapamilya Network in their modern Filipiniana look.

Agaw-eksena naman ang kasuotan ni Vice Ganda na may malalaking kapa.

Ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber ang tinanghal na `Couple of the Night’.  Pumangalawa naman sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at pumangatlo sina Liza Soberano at Enrique Gil. Stunning din ang dating ng couple na sina James Reid at Nadine Lustre gayundin sina Kim Chiu at Xian Lim.

First time namang dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid na pareho nang Kapamilya ngayon.

Ang  ABS-CBN Ball 2019 ay sabay din sa selebrasyon ng 65th year ng Kapamilya Network.  Ang proceeds ay mapupunta sa Bantay Bata 163 at Bantay Bata Edukasyon, ang legacy na iniwan ng founder and chairperson ng  Bantay Bata Foundation, ang yumaong si Gina Lopez.