Stranded celebrities makauuwi na ng Pilipinas

July 06, 2020

MAGBUBUKAS na ang international flights bukas, July 8, araw ng Miyerkules kaya malamang na magsibalikan na sa Pilipinas ang maraming mga Filipino na stranded sa iba’t ibang bansa dahil sa lockdown at kasama na rito ang ilang celebrities.

Ang mag-asawang Rica Peralejo at Joseph Bonifacio and two kids ay nasa Amerika.  Nasa Melbourne, Australia ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff with their four months old baby na si Dhalia Amelie at nasa Bali, Indonesia naman ang mag-asawang  Maxene Magalona at Rob Manaquil maging ang engaged couple na sina Sam Pinto at Anthony Semerad na nasa Australia at iba pa.