Sue natutupad ang pangarap kahit mabagal

May 15, 2019
Sue Ramirez
Sue Ramirez

BIHIRA  naming makita si Sue Ramirez kaya refreshing sight siya sa presscon ng pelikulang Sunshine Family ng Spring Films sa pakikipagtulungan ng Film Line Pictures Productions LTD ng Korea.

Sa naturang pelikula, anak siya ng mga pangunahing karakter na ginagampanan nina Nonie Buencamino at Shamaine Buencamino (na mag-asawa rin sa tunay na buhay). Napili si Sue ng Korean Tourism Organization dahil kinikilala siya bilang South Korean honorary tourism ambassador mula pa noong 2016.

At ang leading man ni Sue sa naturang pelikula ay ang KPop idol na si Shinwoo ng boyband na Blanc 7, no less.

Kahit bihira ang project, natutuwa naman si Sue na lagi siyang isa sa mga bida sa kanyang mga ginagawa. Di siya katulad ng ibang kasabayan sa Kapamilya network na minsa'y bida, minsa'y kontrabida. Bagama't sinasabi ng iba na malaking challenge ang magpaiba-iba ng role, sa totoo lang ay nakababawas ito ng puntos pagdating sa fan base.

Samantala, na-sorpresa si Sue sa ganda ng kanyang first billboard sa EDSA para sa Belo Thermage. Hindi raw niya akalaing magkakaroon siya ng billboard na pangarap ng maraming tao, artista man o hindi.