Suklay diva inamin ang relasyon sa american drummer

October 19, 2019

PAGKATAPOS ng kanyang debut concert at the New Frontier Theater nung February 1, 2019 na pinamagatang “SiKAT Ako,” muling babalik ang tinaguriang “Suklay Diva” na si Katrina Velarde at  same venue para sa kanyang second concert na pinamagatang “SiKATi2” na nakatandang ganapin on November 29, 2019 (Friday) at 8 p.m. Dito ay makakasama ni Katrina as special guests sina Michael Pangilinan, Bugoy Drilon plus surprise guests and produced ng Viva Live.

Malayo na talaga ang narating ng babaeng kontesera since she was six years old hanggang 15.  Ginagalugad ni Katrina ang mga amateur singing contest sa mga bara-barangay maging sa mga fiesta sa iba’t ibang probinsya including Batangas.

Si Katrina ay pang-apat sa anim na magkakapatid.  Inamin nito sa aming panayam sa kanya na hindi umano sapat ang kinikita ng kanyang amang karpintero para tustusan ang pangangailangan nilang magkakapatid.  Tumutulong umano ang kanilang ina at silang magkakapatid sa paggawa ng mga sampaguita leis para maibenta pero kapos pa rin umano ito.  Kaya nag-desisyon siyang sumali sa mga paligsahan sa pag-awit at ang kanyang napapanalunang cash prize ay naitutulong niya sa kanyang pamilya.

Si Katrina at ang kanyang pamilya at ang kanyang three-year-old son na si Kendrick (sa isang dating member ng Street Boys) ay dating nakatira sa isang squatter’s area in Tondo, Manila. Pero nakalipat na umano sila sa isang rented apartment in Novaliches, Quezon City habang patuloy niyang (Katrina) hinuhulugan ang kanyang nabiling three-bedroom townhouse in Caloocan City na lilipatan nila in March 2020.

“Ginagawa ko po ang lahat para mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko at anak ko,” pahayag nito.

“Actually, isa po sa mga goal ko ay ang pagkakaroon ng malaking bahay.  Kapag natapos ko nang bayaran ang townhouse, big house naman ang isusunod ko,” aniya.

Ang pinagdaanan ng kanyang pamilya ay siya niyang inspirasyon para lalong pagbutihan ang kanyang singing career, this time sa tulong ng kanyang bagong management company, ang Viva matapos siyang kumalas sa Manila Genesis na pinamumunuan ni Angeli Pangilinan-Valenciano na siyang nangalaga ng kanyang career for the last seven years.

“Nagpaalam naman po ako nang maayos kina Tita Angeli at Tito Gary (Valenciano) at nagpasalamat po ako sa tulong nila sa akin,” kuwento pa ni Katrina.

Dahil malaki ang naitulong kay Katrina ng kanyang stint sa Music Hall in Metro Walk in Ortigas Center, binabalik-balikan niya ito dahil sa kanyang mga regular supporters and fans na dumarayo sa lugar para lamang panoorin ang kanyang performance.

“Except when I’m busy for shows sa ibang lugar, I will always find time na makapag-tanghal sa Music Hall,” aniya.

Hindi rin madali kay Katrina ang kanyang pagiging single mom sa kanyang three-year-old son na si Kendrick, isa sa mga dahilan kung bakit nagsisikap siya nang husto sa kanyang trabaho.

Sa ngayon, Katrina is going steady with an American seasoned drummer in the U.S. more than double her senior.  The guy is 55 at 25 naman si Katrina.

“Actually, gusto niya pong mag-relocate sa Pilipinas,” pag-amin pa ni Katrina na siya ring umawit ng awiting “Magkaibang Mundo” na siyang theme song ng hit movie “Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao.

If there is one particular song na personal choice ni Katrina for herself, ito ay ang “Go The Distance” ni Michael Bolton.