Sunshine, ayaw magpa-annul

January 05, 2019
Sunshine Dizon

Balik-taping na si Sunshine Dizon ng Inagaw Na Bituin pagtakatapos ng ilang araw na bakasyon sa Bali.

Doon nag-celebrate ng New Year si Sunshine at ang mga anak na sina Doreen at Anton. Batay sa mga na-post na picture sa Instagram (IG), masaya ang naging bakasyon ni Sunshine at ng mga anak.

Masayang nagbalik-taping si Sunshine dahil maganda ang story ng Inagaw Na Bituin at magaling ang cast na kasama.

Gustung-gusto rin ni Sunshine ang role niyang sisikat na singer-actress, pero malalaos nang magkaanak.

Sure si Sunshine na marami ang makaka-relate sa role niya at role ng ibang cast at story ng Afternoon Prime lalo na ang mga taga-showbiz.

Dapat pala ay January 14 ang pilot ng Inagaw Na Bituin, pero dahil extended ang Ika-5 Utos, naurong ang pilot ng kantaserye. Hintayin natin ang announcement ng GMA-7 sa bagong pilot airing date.

May asawa ang role ni Sunshine sa Inagaw Na Bituin, kabaligtaran sa real life dahil after nilang maghiwalay ng asawa, wala na siyang lovelife.

Dahil walang lovelife, ayaw niyang mag-file ng annulment at hahayaan daw niya ang ex-husband na maunang mag-file ng annulment.