Sunshine at (ex) husband may kakaibang setup

December 06, 2018
Sunshine Dizon
Sunshine Dizon

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagpa-file ng annulment ang estranged couple na sina Sunshine Dizon at Timothy Tan. Mukhang naniniwala ang dalawa na wala pang (matinding) dahilan para tuluyan na nilang wakasan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. At siguro, dahil na rin ito sa kanilang dalawang anak na sina Doreen at Anton.

Masasabing kakaiba ang setup ng dating mag-asawa pero mas maganda ang kanilang relasyon ngayon. 

While their two kids are with Sunshine, si Tim ang naghahatid at sumusundo sa mga bata sa school, help them with their homework at nakikipaglaro sa kanila just like what other fathers do.  

Although hiwalay na sina Sunshine at Tim, never umanong na-deprive ang mga anak nila ng pagmamahal ng kanilang mga magulang.  Magkasama rin sina Sunshine at Tim sa mga espesyal na okasyon ng mga bata and there were even times na magkakasama silang bumiyahe sa Amerika kung saan naka-base ang ama ni Sunshine.  Nagbakasyon din ang pamilya sa Japan.

Being a working mom, nagpapasalamat din si Sunshine na nariyan si Tim to look after their children kapag siya’y nasa trabaho.

Umabot man sa demandahan ang hiwalayan nina Sunshine at Tim in 2016 natutunan namang patawarin ng aktres ang kanyang asawa alang-alang sa kanilang dalawang anak.

Samantala, nag-put-up ng sariling produksyon ang magkakaibigan at original sang’gres ng unang “Encantadia” na sina Sunshine, Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle at binubuo na nila ang kanilang first film project na sila rin mismo ang mga tampok na bituin.  May bago ring teleseryeng sisimulan si Sunshine, ang “Inagaw na Bituin” kung saan niya kasama sina Kylene Alcantara, Therese Malvar, Angelika de la Cruz, Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, Angelu de Leon at iba pa.