Sunshine: Malamang busy ’yon sa ibang bagay

February 14, 2019
Sunshine Cruz

Terminated sa kanyang trabaho bilang chef sa resto na nasa Conrad Manila ang lalakIng inireklamo ni Sunshine Cruz na nagpadala ng malaswang messages sa kanyang anak (si Angelina siguro).

In-update si Sunshine ng management ng resto at sa meeting nila sa chef, inamin ng huli na siya nga ang nagpadala ng messages at hindi totoo ang unang sinabi na na-hack ang account niya.

Nagpasalamat si Sunshine sa mabilis na action ng Epilogue na sa meeting nila sa chef, nangakong hihingi ng apology kay Sunshine at sa anak nito.

May nag-comment na oras na para kay Cesar Montano na gamitin ang pagiging action star at basagin ang bibig ng bastos na lalaki.

“’Wag na po asahan ang iba dahil malamang busy po ’yun sa ibang bagay. Kayang-kaya ko protektahan mag-isa ang mga anak ko. Saka hindi po natin idadaan sa physical na pananakit ang ganitong sitwasyon. Salamat,” sagot ni Sunshine.