Sunshine at Sheryl 12 years bago muling nagsama

October 19, 2019

TWELVE years din ang binilang bago muling nagsama sa isang teleserye sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz na unang nagkasama sa hit TV series na “Bakekang” in 2006 to 2007 na pinamahalaan din ni Gil Tejada.

Sina Sunshine at Sheryl ay muling pinagsama ng GMA sa pinakabagong panghapong teleserye, ang “Magkaagaw” na muling pinamamahalaan  ni Direk Gil.  Ito’y nakatakdang magsimula ngayong October 21 (Monday) pagkatapos ng “Eat Bulaga” na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado.

Ang 36-year-old na si Sunshine ay huling napanood sa kanyang hit afternoon TV series na “Ika-6 na Utos” na tumagal sa ere ng halos dalawang taon.  Habang si Sheryl ay huling napanood sa “My Guitar Princess” nung isang taon.

Bukod kina Sunshine at Sheryl, tampok din sa “Magkaagaw” sina Jeric Gonzales at Klea Pineda kasama sina Polo Ravales, Dion Ignacio, Dennis Padilla, Isay Alvarez, Lovely Abella, Patricia Tumulak at Joanna Marie Tan.