Home>Entertainment>Showbiz>Super Tekla dapat matuto na sa mga nangyari

Super Tekla dapat matuto na sa mga nangyari

Super Tekla
Super Tekla

SA rami ng hirap na pinagdaanan ng komedyanteng si Super Tekla (Romeo Librada sa tunay buhay) na ang most recent ay ang kontrobersiya dahil sa pagdulog ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Bana-ag sa programa ng sikat ng radio-TV journalist na si Raffy Tulfo.

Although nagkaayos na sila ni Michelle, nauwi na ang lahat sa kanilang paghihiwalay. Ang problema ngayon ni Super Tekla ay bitbit umano ng dati niyang partner ang kanilang four-month old baby. Hangga’t maaari ay gusto umano makuha ni Super Tekla ang kustodiya ng kanyang anak lalupa’t hindi naman ito kayang buhaying mag-isa ni Michelle. Nangako naman umano si Raffy Tulfo na bumaligtad na sa pagtulong niya kay Michelle. Tutulungan naman niya si Super Tekla sa aspetong ito. Umatras na rin si Raffy sa kanyang ipinangakong tulong kay Michelle matapos itong umatras ang huli sa drug test na siya (Michelle) rin mismo ang unang naghamon.

Dahil sa mga pinagdaanan ni Super Tekla, dapat lamang siguro na may natutunan siya sa mga ito.

James Bond pumanaw na

PUMANAW na ang original James Bond star, ang Scottish national na si Sean Connery nung nakaraang Sabado, October 31. He died in his sleep sa kanyang bahay sa Lyford Cay Community of Nassau in the Bahamas. He was 90.

“He had been unwell for sometime,” pahayag ng kanyang kaisa-isang anak, ang veteran actor na si Jason Connery.

Si Jason ay anak ni Sean sa kanyang unang misis, ang actress na si Diane Cilento, his wife mula 1962 but got separated in 1971. In 1975 ay muli siyang nag-asawa sa Moroccan-French painter na si Micheline Roquebrune, his wife until his death but they never had a child.

Sean’s closest friend is English veteran actor Michael Caine na nakatrabaho niya sa pelikulang “The Man Who Would Be King”.

During his younger years, Sean played James Bond role (created by Ian Fleming) seven times na kanyang sinimulan in 1962 sa pamamagitan ng “Dr. No.” Ito’y sinundan ng “From Russia with Love” in 1963, “Goldfinger” in 1964, “Thunderball” in 1965, “You Only Live Twice” in 1967,” “Diamonds are Forever” in 1971 and “Never Say Never Again” in 1983. After Sean, ang iba pang actors na gumanap sa papel na James Bond include David Niven, George Lazenby, Roger Moore, Timothy Dalton, Pierce Brosnan and Daniel Craig.

Nung nabubuhay pa si Sean ay tinagurian siyang “Scotland’s Greatest Living National Treasure” ng Sunday Herald and was voted by People Magazine as “Sexiest Man Alive” and “Sexiest Man of the Century” in the 90’s .

Si Sean ay anak ng dating cleaning woman na si Euphemia `Elfie” McBain McLean habang ang kanyang amang si Joseph Connery ay dating factory worker. He had a younger brother na si Neil.

Ang unang trabaho ni Sean ay bilang isang milkman in Edinburgh, In 1946 when he was 16, then joined the Royal Army and acquired two tattoes which symbolized two of his lifelong commitments, sa kanyang parents at sa kanyang bansa, ang Scotland. Nakalagay sa kanyang tattoo ang Mom and Dad at Scotland Forever.

He was discharged from the navy when he was 19 dahil sa kanyang sakit na ulcers. Nagsimula siyang mamasukan bilang truck driver, lifeguard at laborer. Nag-modelo rin siya sa Edinburg College of Art at naging footballer bago niya napasok ang theater at telebisyon and eventually sa kanyang pagiging lead actor sa pelikula sa pamamagitan ng “Bond” series and other movies.

Sean Connery was born in Fountainbridge, Edenburg, Scotland nung August 25, 1930.

Misis ang stylist ni Gardo bilang Tiktoker

Gardo Versoza
Gardo Versoza

HINDI makapaniwala ang actor and TikToker na si Gardo Versoza na magkakaroon siya ng special production dance number sa “ASAP Natin `To” at ito’y utang niya sa kanyang wife na si Ivy Vicencio who encouraged him to do TikTok na naka-suot ng heels at tight body shirt and short shorts at ito’y nag-click.

Gardo admits na ang wife niya ang tumatayo niyang stylist.

Samantala, kamakailan lamang ay lumagda si Gardo ng exclusive management contract with Viva Artists Agency (VAA).

Sa paglipat ni Billy nagkaroon ng pagkakataon si Robi

SA paglipat ng singer, dancer and TV host na si Billy Crawford sa TV5 with two new programs, ang daily lunch time show na “Lunch Out Loud” (LOL) at “Masked Singer Pilipinas,” unti-unti namang nai-elevate sa hosting job ang ex-PBB housemate-turned host-actor na si Robi Domingo na regular na napapanood sa Sunday musical variety program na “ASAP Natin `To” at bilang bagong host ng TV remake ng game show na “Pilipinas: Game Ka Na Ba” originally hosted by Kris Aquino in 2001 until 2007 na sinundan ni Edu Manzano. Naging isa rin si Robi sa mga host ng reality show na “PBB” at malamang na maging isa rin sa hosts ng upcoming new season ng “Pinoy Big Brother,” the same program na kanyang pinagmulan in 2008 kung saan siya naging first runner-up sa “PBB: Teen Edition Plus”.

Gustuhin man ni Robi na sundan ang kanyang parents na parehong nasa medical field, hindi ito naging posible dahil napunta naman siya sa entertainment field na hindi naman niya pinagsisisihan.

Robi is now in a relationship with non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda at dalawang taon na ang kanilang relasyon. Before Maiqui ay naging kasintahan niya ang volleyball player-turned TV host na si Gretchen Ho.

Piolo katapat na ang anak na si Inigo

NANANATILING Kapamilya at bahagi ng “ASAP Natin `To” si Inigo Pascual, ang anak ng dating Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual na lumipat na ng TV5 bilang main host ng “Sunday Noontime Live” na siyang katapat ng “ASAP Natin `To” ng Kapamilya Channel, ang programang pinagmulan ni Piolo.

While he respects the decision of his dad, nirerespeto rin ni Piolo ang desisyon ng kanyang anak na manatili sa “ASAP Natin `To”.

Magkatapat ang programa ngayon ang mag-amangPiolo at Inigo tuwing Linggo ng tanghali.