Super Tekla kung kailan walang kita saka nagkaproblema

July 07, 2020
Super Tekla
Super Tekla

SOBRA ang pasasalamat ng actor-comedian-TV host na si Super Tekla (Romeo Librada) sa kanyang home studio, ang GMA Artists Center, sa kanyang mga kasamahan sa Kapuso network at ibang taga-industriya sa tulong na ipinaabot sa kanya including game show host and producer Willie Revillame at Sen. Bong Revilla para maitawid ang pagpapagamot sa kanyang bagong silang na anak na si Baby Angelo na ipinanganak na may anorectal malfunction o walang butas sa puwet.

Si Baby Angelo ay isinilang nung nakaraang June 22 at kailangang agarang maoperahan.

Dahil sa lockdown ay walang hanap-buhay si Super Tekla ngayon at wala  siyang ibang source of income dahil pati mga comedy bars ay sarado na.

For several months ay naging bahagi si Super Tekla ng “Wowowin” kung saan siya nakilala nang husto kasama ang kaibigang singer-comedian-host na si Donita Nose.

Dahil sa financial problem ni Super Tekla, si Donita ang nagparating nito sa TV host-producer na si Willie Revillame at pinapunta niya sa kanyang studio ang comedian-host, his first time magmula nang mawala siya sa “Wowowin”.   This time as guest ni Willie.

Hindi napigilan ni Super Tekla ang maiyak dahil buong puso siyang tinanggap ni Willie na walang katiting na galit at tampo sa kanya.  After his guesting ay binigyan siya ni Willie ng pera bilang tulong sa operasyon ng kanyang anak.

Kung ang actress-comedienne na si Lovely Abella ay nagkaroon ng online auction para makatulong sa baby ni Super Tekla, nagkaroon din ng benefit online show ang GMA na tinampukan ng maraming stars ng network at kasama na rito sina Ai-Ai de las Alas, Julie Anne San Jose, Boobay, Kim Idol, Christian Bautista, Rita Daniela at iba pa.  

Na-overwhelm si Super Tekla sa naging suporta sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa GMA at ng GMA network mismo.

Samantala, hindi ikinakaila ng comedian-TV host na maganda ang kanilang relasyon ng kanyang 12-year-old daughter na si Aira sa kanyang ex-wife.

Nung maliit pa umano si Aira ay nagtataka ito kung bakit nag-aayos at nagdadamit babae ang kanyang papa pero ipinaliwag umano niya sa anak na kailangan niya itong gawin dahil dito umano nanggagaling ang kanilang ikinabubuhay.  Magmula noon ay naunawaan siya ng anak at naging very supportive sa kanya.  Katunayan, si Aira umano ang kanyang number one supporter.  Hindi naman ibinahagi ni Super Tekla ang identity ng ina ng kanyang bagong baby.

As to his ex-wife na si Irene Gonzales, sinubukan umano niyang makipagbalikan dito pero hindi umano nag-work out.

Kahit nagdadamit babae at kumikilos na gay, aminado si Super Tekla na babae pa rin talaga ang gusto niya at hindi kapwa lalake.

Samantala, ngayong okey na muli sina Willie at Super Tekla, ibalik kaya ng host-producer ang comedian sa “Wowowin” kapag normal na ang takbo ng lahat?

Si Super Tekla ay other half ng “The Boobay and Tekya Show” on GMA na pansamantalang nakahinto ang production ngayon.