Home>Entertainment>Showbiz>Super Tekla may pagkakakitaan muli

Super Tekla may pagkakakitaan muli

MASAYANG-masaya ang dalawang komedyanteng sina Boobay (Norman Balbuena) at Super Tekla (Romeo Librada) dahil balik-taping sila sa kanilang weekly comedy talk show na “The Boobay and Tekla Show” last September 1 na mapapanood on September 13 (Sunday) ng gabi.

May ilang buwan ding parehong jobless ang dalawa magmula nang magkaroon ng pandemya.

Kung matatandaan pa, nanghingi ng tulong pinansyal si Super Tekla last July para sa kanyang naoperahang bagong silang na si Baby Angelo na ipinanganak na may anorectal malformation o walang butas sa puwet.

Bukod sa matagal nahinto ang taping ng “The Boobay and Tekla Show,” nagsara rin ang comedy bars kung saan nagpi-perform si Super Tekla.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger