Susunod kina Pia, Catriona hahanapin ngayong gabi

June 08, 2019

NGAYONG gabi (June 9) ang  grand  coronation night ng ika-56th year ng Bb. Pilipinas pageant na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum to be hosted by ex-lovers Anne Curtis and Richard Gutierrez, KC Concepcion and Nicole Cordoves.  Ang magbibigay naman ng primer (to the crown) ay ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo kasama ang mga beauty title holder na sina Ahtisa Manalo, Karen Gallman, Michelle Gumabao at Jehza Mae Huelar.

Six most coveted crowns ang naghihintay sa 40  candidates ng Bb. Pilipinas at ang mga ito ang Miss Universe Philippines, Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Supranational, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at ang Bb. Pilipinas Grand International.

Ang Bb. Pilipinas ay nakapag-uwi na ng apat na Miss Universe crown, anim na Miss International titles at tig-iisa mula sa Miss Intercontinental na si Karen Gallman in 2018, Miss Supranational na si Mutya Datul in 2013 at si Ann Colis sa Miss Globe in 2015.

Out of the 40 candidates ng Bb. Pilipinas, ang ilan sa mga ito ay repeaters sa nasabing national beauty pageant at kasama na rito ang girlfriend ng Kapuso actor na si Jason Abalos na si Vickie Marie Milagrosa Rushton, Maria Andrea Abesamis, Emma Mary Tiglao, Samantha Bernardo at iba pa.

Total package ng beauty and brains at ganda ng katawan  ang hinahanap ng Bb. Pilipinas para sa anim na crowns to represent the country sa anim na iba’t ibang international beauty pageants kaya muling nakatutok ang mga Pinoy and beauty pageant enthusiasts sa susunod na tatanghaling winners ng nasabing competition.

Ang mga susunod sa yapak nina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015) at ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray ang hahanapin ng bumubuo ng mga hurado sa grand coronation night ng Bb. Pilipinas ngayong gabi sa Big Dome na kinabibilangan ni Victor Hugo Echiveri, ang Colombian Ambassador to the Philippines, Mike Brown, ang general manager ng Novotel Manila, ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria at ang president-CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, among others.

Ang grand coronation night ng 2019 Bb. Pilipinas will be aired on ABS-CBN.