Sylvia ayaw makumpara kay ate Guy

February 01, 2019
Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

ANG 47-year old actress and celebrity endorser na si Sylvia Sanchez ang pangunahing bituin sa pangalawang directorial movie ng writer-director na si Ronald Calballo, ang “Jesusa” where she will showcase her multiple emotions bilang isang mahusay na actress.

Sa presscon ng pelikulang “Jesusa,” nalaman ng mga dumalong entertainment media na ang superstar na si Nora Aunor ang first choice to play the title role pero nagkaroonumano ng problema kaya ito napunta kay Sylvia, the second and final choice.

Inamin ni Ronald that he had Guy (Nora) in mind to play the role at hindi umano niyagagawin ang pelikula kung hindi ito ang gaganap sa kanyang movie. Pero dahil sa hindi umano inaasahang pangyayari, ang proyekto ay napunta kay Sylvia.  Nabuo at natapos  umano ang proyekto nang maayos.

Klinaro naman ni Sylvia na hindi umano sila dapat intrigahin ni Guy (Nora).

“Mataas po ang respeto ko kay Ate Guy bilang artista at nag-iisang superstar.  Wala po ako sa kalingkingan sa naabot na niya at wala nang makakapantay pa sa narating naniya,” pahayag ni Sylvia.  Pero nagpapasalamat naman si Sylvia na siya ang pangalawa at final choice dahil napakaganda raw talaga ng kanyang role at ng pelikula sa kabuuan.

Bukod kay Sylvia, tampok din sa drama movie na “Jesusa” ang mga award-winning actors na sina Allen Dizon, Ynez Veneracion, Mara Lopez, ang theater actor-turned movie actor na si  Atty. Vince Tanada, Beverly Salviejo at  kung saan ipinapakilala ang baguhang young actor na si Uno Santiago (ang bagong alaga ni Daddie Wowie) with the special participation of Fanny Serrano.

During the presscon ng “Jesusa,” hindi rin nakaligtas si Sylvia na matanong tungkol sa anak niyang actor na si Arjo Atayde at nali-link dito na si Maine Mendoza na siyangdahilan kung bakit naba-bash ang kanyang anak, ang kanyang pamilya at maging si Maine na may kasama pang mga pagbabanta sa kanilang buhay.

As much as possible, ayaw sanang magsalita ni Sylvia na may kinalaman kina Arjo at Maine but this time, she has to stand-up not only for Arjo and Maine kundi para na rin sa kanyang mga anak at pamilya na idinadamay na ng bashers.

Bilang isang ina, kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang mga anak at pamilya samga taong walang magawang mabuti kundi ang manira sa kanilang kapwa.  Ang mas matindi, dumating na rin sa punto na may mga pagbabanta na pati sa buhay ng kanyang pamilya bagay na hindi puwedeng ipagsa walang-kibo na lamang ni Sylvia.

Ang ipinagtataka lamang ng aktres ay kung bakit hindi masaya ang ibang tao kung masaya ngayon sina Arjo at Maine kung anuman meron sila ngayon  na pareho namang single at walang sabit.  

Bakit kailangan ang ibang tao ang magdikta kung sino ang gusto at napupusuan ng kanilang mga idolo samantalang personal na buhay na nila ito at wala nang kinalaman sa kanilang propesyon.