Sylvia at mister dapat papurihan sa paglantad

April 01, 2020

NAG-POSITIBO sa COVID-19 si Sylvia Sanchez at ang kanyang asawang si Art Atayde kaya naka-self quarantine sila sa kasalukuyan.

Tama ang paglantad na ginawa nina Sylvia at Art para mabigyan ng babala at mag-ingat ang mga tao na nakasalamuha nila.

Tularan sana sina Art at Sylvia ng ibang mga entertainment personality na positive din sa coronavirus pero inililihim ang kanilang kalagayan dahil sa takot na mahusgahan at layuan ng  mga tao tulad ng nangyari sa asawa ni Senator Sonny Angara at ng mga healthcare worker na nakararanas ng discrimination mula sa mga kababayan natin na pinaiiral ang kakitiran ng utak at pang-unawa.