Sylvia sa AlDub Nation: Ako na lang ang barilin n’yo

January 30, 2019
Sylvia Sanchez

Wala pang playdate ang pelikulang Jesusa, unang project ng OEPM Events and Production Management ng magkapatid na Jean Rayos-Hidalgo at Junnel Rayos.

Kwento ng magkapatid, nabasa pa lang nila ang script ni Ronald Carballo na siya ring director, nagustuhan na nila at gusto nga simulan agad ang shooting.

Very realistic daw ang story at eye opener sa moviegoers.

Kahit gaya ni Direk Ronald, na-disappoint si Jean na hindi natuloy si Nora Aunor to play Jesusa.

Pero masaya at satisfied sila kay Sylvia Sanchez, na  pumalit kay Nora.

“Kaya namin ito ginawa ay dahil tungkol sa drugs ang story, pero kakaiba,” sabi naman ni Jean.

Introducing sa Jesusa si Uno Santiago bilang Carlo, volunteer sa rehab.

Talent siya ni Daddie Wowie Roxas na nakilala niya nang atakehin ng vertigo ang huli.

He is 19 years old, student ng UCI sa kursong Business Management.

Masuwerte si Uno na sa first movie niya, magandang project ang nasamahan at magagaling na artista ang kasama, sa pangunguna ni Sylvia, at mabusising director ang nakatrabaho.

* * *

SA nasabi ring Jesusa presscon, sinamantala ng showbiz press na hingan ng reaksyon si Sylvia tungkol sa ginawa niyang pag-iimbita sa bashers nila ng mga anak na sina Arjo at Ria na pag-usapan ang gulong dulot ng pag-amin ng aktor na “exclusively dating” na sila ni Maine Mendoza.

Emosyonal na sinabi ni Sylvia na mula September, 2018, wala na siyang ibang nabungaran sa social media kundi pamba-bash, pagmumura, etc.

Meron pa raw dalawang accounts na nagsabing papatayin silang mag-iina pati na ang mister niyang si Art Atayde.

“‘Patayin si Arjo, patayin natin si Ria, patayin natin si Sylvia, patayin natin ang pamilya Atayde.’ Hindi lang ’yan dalawa, meron pa. At meron pang nag-post diyan na, ‘Isang bala ka lang.’ ’Pag nakita natin ’yung nag-uusap, alam natin na si Arjo ang tinutukoy,” mangiyak-ngiyak na kwento ni Sylvia.

Sabi pa ng Kapamilya actress, ’di baleng siya na lang ang patayin at huwag na ang kanyang pamilya.

“Ngayon, ako, bilang ina, sabihin mo na sa akin lahat ng masasakit na salita, laitin mo na pagkatao ko, halughugin niyo na ang nakaraan ko, sabihin niyong patayin niyo na ako, okay lang.

“Pero mabasa ko ’yung sasabihin at babantaan ’yung mga anak ko, tiniis ko lahat since September. Bumigay ako noong Friday, last Friday. Ina ako na nagtitimpi, ina ako na nasasaktan para sa mga anak ko.