'Tabing-ilog: The musical' mapapanood na

February 11, 2020

SA kauna-unahang pagkakataon ay sasabak ang ex-PBB third-placer na si Lou Yanong sa isang stage musical, ang “Tabing Ilog: The Musical” to be produced by ABS-CBN and Star Hunt and will run at the Dolphy Theater ng ABS-CBN on March 7 until April 26 to be directed by Topper Fabregas.

Ang “Tabing Ilog” teen drama series ang isa sa pinaka-successful TV series ng ABS-CBN which started airing on March 14, 1999 at tumagal hanggang October 19, 2003. Ang nasabing programa ang nag-launch ng career nina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Paula Peralejo, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree del Valle at si Baron Geisler.

Except for Paula Peralejo na huminto na sa kanyang showbiz career when she got married to Charlie Fernandez in 2013, all the rest  sa "Tabing Ilog” ay aktibo pa rin hanggang ngayon.  Karamihan sa kanila ay nanatili sa bakuran ng ABS-CBN habang si Paolo Contis naman ay matagal nang Kapuso actor.

Samantala, suportado si Lou Yanong ng kanyang kasamahan dati sa PBB house at boyfriend na niya ngayon, ang Hawaii-born and raised Fil-Am  na si Andre Brouillette.

Makakasama sa naturang musical play si Teetin Villanueva (ang ex-girlfriend of four years ng actor na si JC Santos) bilang ka-alternate nina Lou at Missy Quino sa papel ni Corrine na ginampanan sa TV series ni Desiree del Valle.

Kasama rin ang ibang stage veterans na sina Agot Isidro, Jojit Lorenzo at Paolo O’Hara na pare-parehong gaganap sa multiple roles.