'Tala' ni Sarah dance craze na

January 06, 2020

WALANG mag-aakala na magiging dance craze ang 2016 hit song ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na “Tala” four years matapos itong i-release sa market in January 2016 ng Viva Records.

Ang awiting “Tala” ay magkasamang kinompos nina Nica del Rosario at Emmanuel Sambayan at carrier single ng platinum album ni Sarah na “The Great Unknown”.

Ang dance choreography ng “Tala” ni Sarah ay ginawa ni Teacher Georcelle Dapat-Sy at dinirek ang music video ni Paul Basinilio.

Ang “Tala” ay nanalong “Song of the Year” sa 2017 Myx Music Awards.  Sarah also performed the song sa 2018 ASEAN-Japan Music Festival in 2018.  Ang nasabi ring awitin ang napili ng CNN Philippines as the Best OPM Song in 2010’s.  Ito ay makailang beses na ring kinanta ni Sarah sa “ASAP Natin `To” at pinerform ng ibang local singers and performers tulad Anne Curtis, Ella Cruz, Vivoree, AC Bonifacio, Diva Montelaba at iba pa.  Ang nasabing awitin ni Sarah ay binigyan ng bagong buhay  ng drag queen na si Bench Hipolito hanggang ito’y maging bagong dance craze or dance challenge na maging ang magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde ay hindi pinalampas.