Home>Entertainment>Showbiz>Talo pa sa ratings panalo na sa viewership

Talo pa sa ratings panalo na sa viewership

BUHAY na buhay ang local TV programming ngayon.

Sa kabila ng kasalukuyang pandemya at pagsasara ng ABS-CBN, kaliwa’t kanan naman ang mga nilu-launch na programa sa halos lahat ng free TV stations. As they say, happy days are here again.

Nito lamang Sunday, nag-pilot airing ang Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5 katapat ng All-Out Sundays (AOS) sa GMA 7 at ang pagbabalik ng ASAP Natin ‘To sa free TV via A2Z Channel 11 ni Brother Eddie Velarde. In full force ang Kapamilya stars sa pagsuporta sa huli.

May panalo rito sa ratings, pero mas panalo ang viewers sa dami ng pagpipilian nila.

Kinabukasan, umere naman sa TV5 ang noontime variety show Lunch Out Loud (LOL) na prodyus ng Brightlight Productions. Kaya apat na ngayon ang noontime variety shows na pagpipilian ng viewers. Nariyan pa rin ang Eat Bulaga (GMA 7), at ang It’s Showtime (Kapamilya Channel/ A2Z Channel 11) at ngayon ay may Happy Time (Net 25) na. Matira ang matibay ang labanan ngayon. At dahil sa tumitindi ang kompetisyon, panalo dito ang viewers.

Sa Kapamilya stars at production staff na lumipat sa TV5, may sama ba sila ng loob sa ABS-CBN kaya nila tinapatan ang dati nilang show? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com