Tambalang Bitoy-Dawn, ikinakasa ng GMA Films

February 19, 2019
Dawn Zulueta

Mukhang malapit nang simulan ang shooting ng movie ng GMA Films na tatampukan nina Michael V at Dawn Zulueta.

Si Michael V din daw ang director ng movie na hindi pa kami sigurado sa title, kaya hindi muna namin isinulat.

Last week, nag-meeting na sina Michael V at ang mga taong makakasama niya sa paggawa ng pelikula.

Kahapon, nag-reading ang cast. Baka next week, mag-i-schedule na ng shooting. 

Kung ’di kami nagkakamali, second movie na ito ng nagbabalik na GMA Films na hindi pa ma-announce ang pagbabalik nila sa paggawa ng pelikula. 

Ang una nilang pelikula ay sina Ai-Ai de las Alas, Kim Domingo, Super Tekla at Derrick Monasterio ang ilan sa cast.