Tanong kay Julia tungkol kay Coco 'di pa rin nasasagot

February 13, 2020

KAHIT mahigit isang taong hindi nakagawa ng serye ni Julia Montes after her toprating afternoon TV series na “Asintado” na nagtapos nung October 2018, dala-dalawang TV series naman ang pinagkakabalahan ngayon ng aktres, ang weekly mini-series na “24/7” at ang upcoming daily series na “Burado” na action-drama rin ang tema.

Sa “Burado” ay kasama ni Julia sina Nadine Lustre, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino at ang Thai actor na si DenkhunNgamnet, among others, and produced ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.  Kasama rin sa nasabing serye sina Carmi Martin, Angel Aquino, Joko Diaz, Lotlot de Leon, Matet de leon, Raymond Bagatsing, McCoy de Leon at iba pa.  Ito’y pamamahalaan nina Manny Palo (ng “The General’s Daughter” at ni Darnel Villaflor (ng “Kadenang Ginto”).

Julia has yet to confirm or deny ang naglabasang balita nung isang taon na siya’y nagsilang umano ng baby nila ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.  Sagutin kaya ito ng actress?