Tapatan ng GMA at ABS, matindi

September 18, 2019

MATINDI talaga ang tapatan ng mga programa ng two major TV networks, ang ABS-CBN at GMA.

Kung inaasahan ng marami na papalo nang husto ang ratings ng “I Love You Two” nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado sa GMA sa pagtatapos nito sa ere last Friday evening, pumalo lamang ito ng 14% against “The General’s Daughter” ni Angel Locsin sa Kapamilya Network na umabot ng 31.2%.

Inabangan din ang magiging performance ng bagong primetime TV series ni Alden Richards sa Kapuso Network, ang “The Gift” na nagsimula last Monday, September 16.  Ang nasabing serye ang pumalit sa puwestong iniwan ng “Love You Two” at katapat pa rin ng “The General’s Daughter “ ni Angel.  Pumalo ng 15.7% ang “The Gift” at 32.2% naman ang action-drama TV series ni Angel.

Pero sa kabila na consistently high ang ratings ng “The General’s Daughter,” tatapusin na ito in two weeks’ time (on October 4) at isasalang naman sa slot na iiwanan nito ang bagong fantasy-drama ni Judy Ann Santos, ang “Starla” on October 7, 2019.  Ito naman  ang bagong makakatapat ng “The Gift” ni Alden.