Tatay ni Zoren namayapa na

September 09, 2019
Lito Legaspi

ISA na namang miyembro ng sining ang binawian ng buhay, ang veteran actor at dating Sampaguita Pictures matinee idol na si Lito Legaspi who died due to cardiac arrest nung Linggo, alas-10 ng umaga sa Cardinal Santos Memorial Hospital in San Juan City sa edad na 77, two days short sa kanyang 78th birthday sa araw na ito ng Martes, September 10.

Nung nakaraang Biyernes, September 6 ay nagreklamo umano si Lito ng paninikip ng kanyang dibdib kaya agad siyang isinugod sa pagamutan.

Iniwan niya ang kanyang ex-wife na si Hershey Legaspi, mga anak na sina Brandon, Zoren, Kier at Jupiter, his children-in-laws at mga apo kung saan kabilang sina Dani Barretto (anak ni Kier sa dati nitong kasintahang si Marjorie Barretto) at ang kambal na anak ng mag-asawang Zoren at Camina Villarroel na si Maverick (Mavy) at Cassandra (Cassy).

Lito was introduced in the movie “Ipinagbili Namin ang Tatay Namin” na pinagbidahan ng Comedy King na si Dolphy.   Nakasama rin siya sa pelikulang “The Wedding Bells” also in 1959.

In 1961, pinagbidahan nila nina Eddie Gutierrez at Jose Mari Gonzales ang “Joey, Eddie, Lito” at 1963 naman nang gawin niya ang “Class Reunion,” ang star-studded movie ng Sampaguita Pictures na tinampukan din nina Liberty Ilagan, Rosemarie Sonoro, Dindo Fernando, Juvy Cachola, Bert Leroy, Jr., Blanca Gomez, Pepito Rodriguez, Fred Montilla, Paraluman, Sarah Salvin, Loretta Marquez, Shirley Moreno German Moreno, Boy Alano, Jose Morelos at iba pa na dinirek ng actress-director na si Rosa Mia.

Taong 1963 when he was among those artists na ni-launch ng Sampaguita Pictures along with Rosemarie Sonora, Gina Pareno, Dindo Fernando, Pepito Rodriguez, Romeo Rivera at Bert Leroy, Jr. at isa siya sa mga tinanghal na matinee idols ng Sampaguita tulad nina Eddie Gutierrez, Romeo Vasquez, Jose Mari Gonzales, Juancho Gutierrez at iba pa.

Pagpasok ng 70’s ay nakagawa si Lito ng maraming sexy movies at kasama na roon ang pelikulang “Uhaw” na pinagtambalan nila ni Merle Fernandez at Tito Galla (younger brother ng veteran actress at movie queen  na si Gloria Romero) at nanalo siya ng Gawad Urian mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang “Sinong Kapiling, Sinong Kasiping” in 1978, the same movie na nagpapanalong Best Actress kay Daria Ramirez (from the same award-giving body).  Ang nasabing pelikula na dinirek ni Eddie Romero ay tinampukan din nina Gloria Diaz, Vic Vargas at Rosemarie Gil.

Other movies na ginawa ni Lito include “Marupok” in 1970, “Escolta, May 13, Biyernes ng Hapon” in 1976 at marami pang iba.  Ang last movie na ginawa niya ay ang “Every Breath You Take” in 2012 na pinagtambalan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban under Star Cinema na dinirek na Mae Cruz.  Ang kanyang huling TV series ay ang “My Special Tatay” nung isang taon sa bakuran ng GMA.  In 2017 ay nakapag-guest din siya sa top-rating and long-running action-drama series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN at ang “Haplos” TV series ng GMA .

More or less ay nakagawa siya ng mahigit 120 films and TV series in a span of six decades.

Samantala, ang mga labi ni Lito ay nakaburol ngayon sa Loyola Memorial Park in Marikina City.