Tatlo ang kailangan ma-impress kay Catriona para manalo

December 15, 2018
Catriona Gray
Catriona Gray

ISANG tulugan na lamang at malalaman na ng buong mundo kung sino ang tatanghaling ika-67 Miss Universe sa taong ito na gaganapin sa Impact Arena in Bangkok, Thailand.

Ano kaya ang chance na muling maiuwi ng kinatawan ng Pilipinas, ang 24-year-old Fil-Australian na si Catriona Gray ang korona?

Sobrang mataas ang expectation ng mga kababayan ni Catriona hindi lamang sa Pilipinas kundi pati ng mga Filipinos all over the world dahil sa maganda niyang ipinakita sa mga pre-pageant activities.  Pero nalungkot ang mga Pinoy dahil walang online voting this year, otherwise tiyak na mangunguna sa online voting ang pambato ng Pilipinas.

For the first time ay pawang babae ang bumubuo ng panel of judges ng Miss Universe at dalawa sa kanila ay mga Filipina, ang architect-businesswoman na  Richelle Singson-Michael at ang international fashion designer na si Monique Lhuiller.

Si Richelle ay anak ng businessman at dating governor ng Ilocos Sur na si Chavit Singson na siyang naging responsible sa mounting ng 65th Miss Universe sa Pilipinas nung January 30, 2017.  Bukod sa kanyang pagiging architect,  si Richelle ang tumayong chairperson sa ginanap na Miss Universe nung isang taon which was held at the SM MOA Arena.  Siya rin ang tumatayong CEO ng Platinum Skies Aviation at Fin Tech Casha.me at vice-chairwoman of the LCS Group of Companies  na pag-aari ng kanyang ama.

Si Monique naman ay tubong Cebu to Filipino and French parents and is now based in America where she carved her name as an international fashion designer.

Out of the seven all-female judges, tiyak na may dalawa nang boto si Catriona and she still has to convince the five others with her outstanding performance during the final competition on Monday morning, December 17, Philippine time.

Sa preliminary judging ay isa si Catriona among the 94 candidates from all over the world ang nagpakitang gilas kaya marami ang naniniwala sa malaking chance nitong manalo.

Kakaiba ang judging process this year ng Miss Universe pageant.  Out of the 94 candidates, 20 rito ang papasok sa semi-finals divided into different continents – 5 sa Europe, 5 sa America, 5 sa Africa at Asia-Pacific at 5 lima naman  ang papasok sa wildcard (from different continents).  Ang Top 20 ay haharap sa isang closed-door interview with the judges at sa Top 20 naman kukuha ng Top 10 na muling magpapakitang gilas in their swimsuit and evening gown competition.  Mula sa Top 10 at dito naman kukula ng Top 5 at dito manggagaling ang tatanghaling 2018 Miss Universe.

Ang sambayanang Filipino ay nananalangin at umaasa na sana’y muling makamit ng Pilipinas ang korona tulad ng ginawa ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach in Las Vegas, Nevada three years ago.