Home>Entertainment>Showbiz>Ted at DJ Chacha makakalaban ang mga dating kasamahan

Ted at DJ Chacha makakalaban ang mga dating kasamahan

DJ Chacha and Ted Failon
DJ Chacha and Ted Failon

LAST Friday, September 11 ay sabay na lumagda ng kontrata sa TV5 ang veteran radio and TV anchor na si Ted Failon at dating disc jockey ng MOR 101.9 FM at radio segment host na si DJ Chacha (Czarina Balba).

Sina Ted at DJ Chacha ay magsasama umano sa isang four-hour radio-TV program sa Radyo5 simula sa October 5 from 6 a.m. to 10 a.m. kung saan ay makakatapat nito ang programa sa teleradyo ni Kabayan Noli de Castro from 6 a.m. to 8 a.m. (including the 7 a.m. to 7:30 a.m. news kung saan dati kasama si Ted) at ang “On The Spot” radio program nina Tony Velasquez at Henry Omaga Diaz from 8 a.m. to 10 a.m. na dating time slot ng “Failon Ngayon” ni Ted bago ito lumipat ng TV5.

Bukod sa kanyang daily radio-TV program sa Radyo5 mula Lunes hanggang Biyernes, ay magkakaroon umano si Ted na bagong public affairs TV show. Hindi pa malinaw kung magiging TV anchor din sin Ted sa TV news program ng TV5 na makakatapat ng “TV Patrol,” ang primetime news program ng Kapamilya Channel na pinagsamahan nila dati nina Kabayan Noli de Castro at Bernadette Sembrano.

May lumulutang ding balita na lilipat na rin ng TV5 si Korina Sanchez pero ayaw pa itong kumpirmahan ng mga taga-Singko at maging ng misis ni dating Sen. Mar Roxas.

Dahil sa pagpatay ng prangkisa ng ABS-CBN, naging agresibo naman ang TV5 at Net25 sa pagdadag ng kanilang mga entertainment programs using talents from the Kapamilya Network.

Iba pang ABS-CBN talents na lumipat na

SAMANTALA, kung ang ibang contract talents ng ABS-CBN ay kanila nang ni-let go, ang mga natitira naman nilang talents ay maluwag na nilang `pinahihiram’ sa ibang network. Dalawa sa mga dating contract talents ng Star Magic na sina McCoy de Leon at Diego Loyzaga ay lumipat na sa Viva Artists Agency. Isa rin sa kanilang pinakawalang artist ay ang singer-comedienne-host na si Pokwang na may dalawang bagong TV shows sa TV5 ngayon. Habang si Vina Morales ay may nakatakdang bagong sitcom na sisimulan sa Net25 labas pa ito sa pagiging hurado ng isa nilang singing competition program.

Ang iba pang talents na identified with ABS-CBN na may bagong programa sa TV5 ay sina Ria Atayde at Jessy Mendiola.

May balita ring kumakalat na magkakaroon din umano ng magkakahiwalay na programa sina Luis Manzano at Billy Crawford sa TV5 bagay na ayaw pang kumpirmahan ng mga taga Singko at mga taong involved.

Samantala, sa kabila ng pagkawatak-watak ng mga empleyado at talents ng Kapamilya network, marami pa rin ang naniniwala na mare-restore ng said TV network ang kanilang prangkisa balang araw. Ang nakakalungkot lamang na balita ay tuluyan nang nawala sa kanila ang kanilang frequency na binawi ng National Telecommunications Commission (NTC) and up for grabs sa ibang interesado.

How sad.

Angeline humihingi ng dasal para sa ina-inahan

Angeline Quinto and her Mama Bob
Angeline Quinto and her Mama Bob

ANG 30-year-old singer-actress na si Angeline Quinto ay hindi lumaki sa kanyang separated biological parents na sina Pop Quiros at Rosemarie Susan Mabao. Pagkapanganak niya ay inalagaan na siya ng kanyang paternal grandmother (aunt of her father) na si Sylvia Quinto (Mama Bob).

Although may communication si Angeline sa kanyang ama na may iba nang pamilya, she only got to meet her biological mother seven years ago, when she was 23 years old.

Nalaman niyang nung ipinagbubuntis siya ng kanyang ina ay kamuntik siyang ipa-abort nito.

Speaking of Angeline’s Mama Bob, humihingi ng prayers ang singer-actress for her grandmother (at ina-inahan) na may heart ailment at naoperahan sa puso nung isang taon.

Donita bumalik na sa San Francisco

Donita Rose
Donita Rose

LAST August 19, 2020 ay Bumalik na ng San Francisco, California, USA ang Fil-Am host-actress na si Donita Rose kung saan naka-base ang kanyang pamilya.

Bago bumalik ng Amerika ay binigyan si Donita Rose ng despedida dinner ng dati niyang mga kasamahan sa “That’s Entertainment” na ginanap sa bahay ni Vina Morales in Quezon City. Ito’y dinaluhan din nina Karla Estrada, Ruffa Gutierrez at Jackie Forster.

Si Donita ay matagal nang hiwalay sa kanyang Fil-Am husband na si Eric Villarama kung kanino siya may 16-year-old son na si Joshua Paul or JP.

Sina Donita Rose at Eric ay ikinasal nung June 2003 sa Santa Barbara, California, USA.

During their “That’s Entertainment” days ay naging nobyo ni Donita Rose ang actor-politician-entrepreneur na si Gary Estrada who is now happily married sa actress-entrepreneur na si Bernadette Allyson.

Si Donita Rose ay huling napanood in 2017 sa pelikulang “Seven Sundays” na tinampukan nina Ronaldo Valdez, Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes at Enrique Gil.

Anak nina Rochelle at Arthur sumasayaw na rin

LAST August 8 ay nag-celebrate ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap ng kanilang third wedding anniversary. Ang kanilang first born na si Shiloh Jayne ay magtu-two years old na on February 24, 2021.

Kahit wala pang two years old si Shiloh ay nakakitaan na ito ng pagiging mahilig sumayaw na tila minana niya sa kanyang mga magulang. Dancer-actress si Rochelle at naging dancer din si Arthur nung kabataan niya.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)