Home>Entertainment>Showbiz>Ted emosyonal ang pagpapaalam sa ABS-CBN

Ted emosyonal ang pagpapaalam sa ABS-CBN

Ted Failon
Ted Failon

HALOS lahat ng mga kilalang personalidad sa radio at telebisyon ng ABS-CBN ay isa-isa nang nagsisilipatan sa ibang network at ito’y hindi maiiwasan dahil sa pagkakabasura ng Kongreso ng prangkisa ng pinakamalaking media network ng bansa.

Nauna nang lumipat ng DZRH ang tambalan nina Anthony Taberna at Gerry Baja na nagsimula kahapon, August 31, 5:00 p.m. to 6:30 p.m. kung saan dala-dala pa rin nila ang kanilang brand title from DZMM Teleradyo, ang “Dos por Dos”. Sumunod dito ang veteran broadcaster na si Vic de Leon Lima na lumipat naman sa DWIZ at kung saan niya katambal ang dati ring broadcast journalist ng Kapamilya Network na si Alex Santos sa “Santos at Lima sa 882” na napapakinggan mula Lunes hanggangBiyernes, 6 a.m to 8 a.m.

Ang ikinagulat ng lahat ay ang tuluyang pamamaalam ng isa sa mga prime talent ng radio at telebisyon na si Ted Failon na nag-last day kahapon, August 31 sa kanyang daily radio program sa DZMM Teleradyo, ang “Failon Ngayon” at bilang isa sa main hosts na “TV Patrol” na kinabibilangan din nina KabayanNoli de Castro at Bernadette Sembrano.

Kasamang nagpaalam ni Ted ang segment host ng “Failon Ngayon” na si DJ Chacha Balba na isa rin sa mga DJ ng nagsara na ring MOR101-9 FM radio nung August 28.

Sa kanyang huling araw sa DZMM teleradyo ay hindi naiwasan ni Ted ang maging emotional lalupa’t 30 taon niyang matapat na pinaglingkuran ang Kapamilya Network.

More than him being a TV anchor, mas pinahahalagahan ni Ted ang pagiging radio anchor and commentator na kanyang sinimulan sa isang local radio station in Tacloban bago siya lumipat ng DZMM kung saan siya naging bahagi sa loob ng tatlong dekada.

Ted is said to be starting his new radio and TV program sa TV5 on September 21.

Ang tanong ngayon ng marami, kelan naman daw lilipat si Kabayan Noli de Castro o mananatili ito sa Lopez-owned company kahit wala nang free radio and TV broadcast?

Sina Kabayan Noli at Ted ang naging mukha ng news programs ng ABS-CBN ng mahabang panahon.

Kung si Ted ay naging kongresista ng isang termino sa 1st district ng Leyte (2001-2004), si Noli naman ay naging senador (2001-2004) at Vice President ng bansa nung 2004 – 2010.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)