Home>Entertainment>Showbiz>Televiewers marami nang mapagpipilian

Televiewers marami nang mapagpipilian

Sunday Noontime Live
Sunday Noontime Live
Sunday Noontime Live
Sunday Noontime Live

TULUY-TULOY na ang pilot episode ng Sunday musical variety show na “Sunday Noontime Live” o SNL na tatampukan nina Piolo Pascual, 2018 Miss Universe Catriona Gray, Maja Salvador, Donny Pangilinan at Jake Ejercito sa darating na linggo, October 18 at 12:00 noon na pamamahalaan ng dating co-founder and head ng Star Magic ng ABS-CBN, ang veteran director na si Johnny Manahan. Ito’y produced ng Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez and line produced by CS Studios ng Cornerstone Entertainment.

Except for Catriona and Jake, sina Piolo, Maja at Donny ay pawang homegrown talents ng Kapamilya network.

Galing din sa “ASAP Natin `To” ang karamihan ng production staff ng SNL at iba pang programa na produced ng Brightlight Productions.

Kaya na nga kaya nilang pataubin ang programang kanilang pinagmulan?

Mapapanood naman bilang special guests sa pilot episode ng “Sunday Noontime Live” sina Zephanie, Sassa Dagdag, Kokoy de Santos, Ricci Rivero, RK Bagatsing, Jane Oineza, Beauty Gonzalez, Daryl Ong, Claudia Barretto, Charles Kieron, KD Estrada, Janela Vela, Renee Dominique, Bugoy Drilon, SB19, Fana, Dimples Romana, Ken San Jose, Maris Racal at Josh Colet.

Samantala, tatlong live musical variety show na ang mapapanood sa telebisyon at sa free TV, ang “ASAP Natin `To” na napapanood sa iba’t ibang platform including sa free TV on A2Z Channel 11, ang “All Out Sundays” ng GMA at ang bagong magsisimulang “Sunday Lunch Live” na mapapanood sa TV5. Ang higit na makikinabang dito ay ang televiewers dahil magkakaroon sila ng iba’t ibang choices.

Assunta malapit nang manganak

NASA 9th month na ng pagbubuntis ang 37-year-old Fil-Italian actress na si Assunta de Rossi sa unang baby nila ng

Assunta de Rossi
Assunta de Rossi

businessman and former politician husband na si Jules Ledesma.

After 16 years of marriage, she will give birth (by Caesarian section) sa kanyang baby girl na may naghihintay nang pangalan na Fiore (Italian word for flower).

Si Assunta ay may dalawang stepchildren sa kanyang mister na si Jules sa yumao nitong unang misis.

Sina Assunta at Jules ay ikinasal nung March 14, 2004 sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati City. Parehong excited ang mag-asawang Assunta at Jules sa kanilang magiging first baby gayundin ang parents ng aktres na sina Luigi at Nenita Schiavone and her younger siblings na sina Alessandra de Rossi, Isabel at Margherita. Assunta’s parents and two sisters are all in Italy habang nasa Pilipinas sila ng kanyang younger sister, ang actress-writer-director-producer na si Alessandra.

Mister ni Ai Ai milyon na ang kinikita

Ai-Ai de las Alas and Gerald Sibayan
Ai-Ai de las Alas and Gerald Sibayan

DALAWANG kurso ang tinapos ng young husband ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas na si Gerald Sibayan, ang Sports Management sa De la Salle University at bilang piloto sa isang kilalang aviation school. Bukod dito ay isa rin siyang successful entrepreneur matapos niyang maging online franchisee ng isang food business kung saan brand ambassador ang kanyang misis.

Although tahimik lamang si Gerald, million ang kinikita nito sa kanyang bagong business.

Ayon kay Gerald, hindi naman daw niya ito lahat magagawa kung hindi dahil sa suporta ni Ai-Ai.

Kung health buff si Ai-Ai, hindi rin nagpahuli si Gerald na malaki na rin ang nabawas sa dating timbang.

Sanya surprised and flattered nang ipalit kay Marian

Sanya Lopez
Sanya Lopez

IT was in November 2019 when GMA announced the new teleserye ng pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera, ang romance-drama series na “First Yaya” pero nitong September 2020 ay nag-back out ang misis ni Dingdong Dantes dahil sa health protocols. Hindi raw niya kayang iwan ang dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy. Dahil nagla-lock-in taping din ang actor para sa kanyang tumatakbong serye, ang local adaptation ng “Descendants of the Sun,” one of them has to stay home with the kids laluna si Zia na kailangang gabayan sa online schooling.

Dahil sa pag-atras ni Marian sa “First Yaya” project ay ipinalit sa kanya ang isa sa Kapuso stars na si Sanya Lopez who was surprised and flattered to accept the role.

Si Sanya ay younger and only sister ng Kapuso actor na si Jak Roberto. Silang dalawa ay parehong nagmula sa now-defunct late night musical variety show ng yumaong star builder at Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno), ang “Walang Tulugan with the Master Showman” on GMA.

Si Sanya ay huling napanood sa teleseryeng “Beautiful Justice” nung isang taon.

Dahil sa pagpupursige ng singer-actress sa kanyang career ay natupad nito ang makabili ng sarili nilang bahay.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)