Home>Entertainment>Showbiz>Teresa iniwan ang buhay sa Australia para kay Diego

Teresa iniwan ang buhay sa Australia para kay Diego

Teresa Loyzaga
Teresa Loyzaga

VETERAN actress Teresa Loyzaga stayed in Sydney, Australia for nearly two decades at inakala niyang hindi na niya babalikan ang showbiz. Stable na ang kanyang trabaho roon bilang flight attendant ng Qantas Airlines sa loob ng 17 taon and was able to support her two sons na sina Joseph Dizon (from her ex-husband) at Diego.

Matapos mag-desisyon si Diego na bumalik ng Pilipinas when he was 15, a few years later ay ginib-ap ni Teresa ang kanyang good paying job bilang flight attendant supervisor at bumalik siya ng bansa in 2017.

“I’m glad there was still work for me here,” aniya.

Kahit nasa Australia na ang kanyang mom at iba niyang kapatid, she misses her bunsong anak na si Diego kaya nag-desisyon siyang umuwi rito.

Teresa lives in their big ancestral house in Antipolo where she loves gardening and cooking laluna ngayon sa panahon ng pandemya.

Although Australian citizen na siya with her two sons, hindi nito ikinakaila na gusto pa rin niya rito sa Pilipinas. And she enjoys doing her passion – acting, singing and painting.

Si Teresa ay isa sa mga anak ng basketball legend na si Carlos `Caloy’ Loyzaga at mga kapatid naman niya ang dalawa ring dating basketball stars na sina Chito and Joey oyzaga, sisters Princess and Bing na misis naman ng singer-actor na si Janno Gibbs.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger