Term of endearment nina Nash at Mika, ‘panget’

December 12, 2018
Nash Aguas and Mika Dela Cruz
Nash Aguas and Mika Dela Cruz

IT was only last October 20, 2018 nang maging official ang relasyon ng Kapamilya young actor na si Nash Aguas at Kapuso young actress na si Mika de la Cruz, 10 days after Nash’s 20th birthday nung October 10.  Para kay Nash, si Mika ang kanyang best post-birthday gift.

Last December 9 ay birthday naman ni Mika, her 20th.  Hindi nagpabaya si Nash na bigyan ng  surprise birthday asalto  ang bagong kasintahan kasama ang kanilang malalapit na kaibigan at kasama na rito ang pagpu-post ni Nash ng special birthday video for Mika.

Panget ang term of endearment nina Nash at Mika na ang pagkakaibigan at closeness ay nagsimula when they were still kids at kasama sa long-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Narito ang mensahe ni Nash sa kanyang ginawang special video para sa kaarawan ni Mika:

“Hello Panget.  Sa mga taon na darating, gagawa pa tayo ng maraming memories.  Memories ang ating kinapitan noong tayo’y magkalayo.  Pero ito rin ang naging daan.  Nahanap natin muli ang isa’t isa.  To more years together.  Happy birthday, Panget!”

Narito naman ang portion ng message ni Mika sa kanyang Instagram account:

“Salamat sa surprise at birthday salubong niyo para sa akin!  Grabe ang effort niyo.  Wala akong masabi Nget…@zackwey salamat.  Sa lahat lahat, napaiyak mo ako. Best birthday gift yung video.  Alam mo na `yun.”

Matagal na nagkasama sina Nash at Mika sa Kapamilya Network since “Goin’ Bananas” days pero nung 2016 ay nag-desisyon si Mika na lumipat sa Kapuso Network.

Sandaling nagkaroon ng relasyon sina Nash at Alexa Ilacad nang sila’y gawing loveteam ng ABS-CBN pero nagkahiwalay ang dalawa nang mag-desisyon si Alexa na mag-focus sa kanyang pag-aaral at singing career.  But they parted ways na magkaibigan pa rin.  Dito naman nagkaroon ng pagkakataon si Nash na ituloy ang kanyang naudlot na intention na ligawan ang kanyang childhood crush na si Mika.  At nung October 20, 2018 ay nakamit ng young actor ang matamis na ‘oo’ ng dalaga.    

Kaya magiging memorable sa young couple ang darating na Christmas at Bagong Taon dahil ito ang kanilang magiging first Christmas and New Year  bilang magkasintahan.