Tito Sen at Helen, masaya sa bagong lovelife ni Ciara

June 14, 2019
Ciara Sotto
Ciara Sotto

LAST January 2019 ay tatlong taon nang hiwalay ang singer-actress at pole dancer na si Ciara Sotto sa kanyang husband na si Jojo Oconer kung kanino siya may isang anak, ang four-year-old son na si Vicenzo Jose or Crixus.

Wala pang lumalabas na balita tungkol sa annulment ng kasal ng dating mag-asawa.

Si Ciara ay bunso sa apat na anak nina Senate President Tito Sotto at veteran singer-actress na si Helen Gamboa-Sotto who was a superstar during her time.  Ang tatlo pang mga kapatid ni Ciara ay sina Romina, Diorella at Gian Sotto.

In September 2018, lumabas ang isang family dinner (civil wedding anniversary) photo nina Tito Sen at Helen kasama ang kanilang apat na anak and their respective partners kung saan kasama sa picture ang Fil-Am boyfriend ngayon ni Ciara na si Ian Austin.  At that time, wala pang inaamin na bagong karelasyon ang separadang singer-actress at umamin lamang a couple of months after.

Masaya ang mag-asawang Tito Sen at Helen na nakikita nilang masayang muli ang kanilang bunsong anak na si Ciara dahil sa bagong pag-ibig nito sa katauhan ni Ian. Nakikita rin nila kung gaano ka-close ang kanilang apong si Crixus sa boyfriend ni Ciara.