TJ matagal na nakipaglaban sa kanser

November 22, 2018
TJ Cruz, Bodie Cruz, Tirso Cruz, Djanin Cruz and Lyn.
TJ Cruz (top-right) is survived by (clockwise from top-left) his brother Bodie, father Tirso, sister Djanin, and mother Lyn.

IN a span of one month ay tatlong kilalang personalidad sa showbiz ang yumao. Ang mga ito ay ang OPM King at Total Entertainer na si Rico J. Puno last October 30,  ang veteran actor na si Jose Clemente `Bangkay’ or Nonong de Andres nung November 6 at ang panganay ng mag-asawang Tirso Cruz III (Pip) at Lyn Cruz na si TJ Cruz (Tristan Jedidah Y. Cruz)  nung umaga ng November 21.

Except for his family and close friends, wala halos nakakaalam na may pinagdadaanan ang pamilya ng mag-asawang Pip at Lyn dahil nakikipaglaban na pala sa sakit nitong cancer of the lymphoma ang kanilang panganay na anak na si TJ.  Ang lymphoma ay kanser na nagsisimula sa infection na siyang lumalaban sa immune system na tinatawag na lymphocutes sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng tao at mabilis itong kumakalat sa iba’t ibang tissues and organs.

May anim na buwan ding nakipaglaban si TJ sa kanyang sakit na kanser pero siya’y binawian ng buhay ng 9:24 a.m. last Wednesday, November 21.  He was 37.     

Si TJ ay panganay na anak nina Pip at Lyn na sinusundan nina Bodie at Djanin.  Sandaling nag-artista si TJ when he joined the youth-oriented program ng ABS-CBN, ang “Ang TV” at nakagawa rin siya ng dalawang pelikula noon, ang “Eskapo”na dinirek ni Chito Roño at tinampukan nina Christoher de Leon, Richard Gomez at Dinna Bonnevie in 1995 at “Rollerboys” na dinirek ni Joey Javier Reyes.  Kasama rin sa movie ang ama ni TJ na si Tirso Cruz III, Gloria Romero, Edgar Mortiz, Eric Fructuoso, G Tongi, Patrick Garcia, John Prats, CJ Ramos at iba pa at saka siya um-exit ng showbiz  to attend to his other interests.

Si TJ ang founder ng “Spike for Hope,” isang volleyball tournament that airms to raise funds para makatulong sa mga batang may kritikal na sakit.

Masakit man sa mag-asawang Pip at Lyn at dalawa pa nilang anak na sina Bodie at Djanin ang maagang pagkawala ni TJ, alam nila na ito’y  nasa masaya at mapayapang lugar kasama ang ating Tagapaglikha maging ang kanyang lolo’t lola (sa father side) na sina Tirso Bailey Cruz, Jr. or Daddy Groovy at Emma Acosta Silvano-Cruz.

Ang mga labi ni TJ ay nakalagak sa Tanguile Chapel (2nd floor) ng Manila Memorial Park in Sucat, Parañaque.

To Pip and Lyn, please  accept our heartfelt condolences.