TNT Boys concert sa Araneta sold out na!

November 24, 2018
TNT Boys
TNT Boys

MULA nang mag-viral ang vocal showdown ng tatlo sa Gandang Gabi Vice, sunod-sunod na ang naging appearances nila sa iba’t ibang international shows gaya ng Little Big Shots sa US, UK at Australia.

Nakapag-perform na rin sila sa harap ng iba’t-ibang head of states gaya nina Pres. Rodrigo Duterte, Singaporean president Halimah Yacob at Papua New Guinea prime minister Peter O’ Neill.

Lumipad din kamakailan patungong US ang trio para lumaban sa isang international talent competition, kung saan malapit na silang mapanood.

Unang nakilala sina Mackie, Kiefer at Francis bilang grand finalists ng Tawag ng Tanghalan Kids. Naging grand champion dinsila ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Sa loob ng halos isang taon, matinding tagumpay ang agad natamasa ng TNT Boys sa paglibot nila sa iba’t ibang panig ng mundo at sa pagkapanalo nila sa Your Face Sounds Familiar Kids patuloy pang magniningning ang bituin nina Mackie Empuerto, Francis Concepcion at Keifer Sanchez.

On Nov. 30, Biyernes,  gaganpin ang kanilang first major concert na Listen: The Big Shot Concert sa Araneta Coliseum.  Sorry na lang sa mga gusto pang bumili ng tikets sa VIP area dahil sold out ito. Ang available na lang ay yung para sa general admission.

Makakasama nila sa concert si “Fantastica” Vice Ganda, sina Jed Madela, K Brosas, pati na ang kiddie performers sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Regular na ring napapanood ang TNT Boys sa ASAP kung saan makakasama nila ang pinakamahuhusay na mang-aawit at performers sa bansa.

Bukod sa weekly appearance sa ASAP, may handog din silang regalo sa kanilang mga tagahanga ngayong Pasko dahil magre-release sila ng Christmas album na pinamagatang TNT Boys Christmastime sa ilalim ng TNT Records.

Bibigyan nila ng panibagong tunog ang ilan sa mga pinakasikat na classic Christmas songs.