TNT boys makakasama ang ilang fil-am talents sa concert tour

April 11, 2019
TNT Boys
TNT Boys

PAALIS  na naman patungong Amerika at Canada ang international sensation na TNT Boys na binubuo nina Francis Concepcion (12), Mackie Empuerto (13) at Kiefer Sanchez (14) for their very first international concert tour na pinamagatang “TNT Boys Listen: The World Tour”.  Ito’y gaganapin sa  Chabot College in Hayward, California on April 23 na susundan ng The Theatre at Ace Hotel sa Los Angeles, California on April 25. At pagkatapos nito ay lilipad ang Pinoy youngest trio patungong Alberta, Canada for another concert na gaganapin naman  sa Edmonton Expo Center on April 27.

Makakasama ng TNT Boys as special guests ang mga Filipino-American artists na sina Angelica Hale  ng “America’s Got Talent,” ang pop and R&B singer na si Cheesa ng “The Voice” at ang musician na si Troy Laureta kasama ang hip-hop dance group na Str8jacket mula naman sa “World of Dance”.

Ang “TNT Boys Listen: The World Tour” ay spin-off ng kanilang kauna-unahang sold out major concert sa Big Dome (Araneta Coliseum) in November 2018, making them the youngest performers (of all time) to fill-up the venue.

Napakabilis ng pagsikat ng TNT Boys na aksidenteng nabuo nang ang mga ito ay mag-guest sa late program ni Vice Ganda, ang “Magandang Gabi Vice”.  Hiniling ni Vice na kumanta ng impromptu ang tatlo na magkakasama na agad nag-viral sa social media.

Magkakaiba man ang background ng tatlo, nagkasundu-sundo sila nang dahil sa kanilang common passion, ang pagkanta.  They are also the best of friends now.